021: Uncanny

33 4 0
                                        


"SHIT! Pai, makita mo lang 'tong bagong laro na'to, mapapa-OMG ka nalang dyan." Saad ng isang binatang lalaki sa kaibigan niyang nagbabasa lamang ng libro habang siya ay may hawak hawak na smartphone kung saan naglalaro ito ng isang offline game.

"Ano ba naman yan? Nakaraan lang hinihikayat mo'ko na manood nyang Journey to Nowhere na yan, ngayon ginagambala mo'ko sa laro na yan? Hulaan ko, JTN na naman yan, noh?" Tanong ng kaibigan nito.

"Omsim." Sagot ng binata habang hindi maalis ang paningin sa kanyang nilalaro.

"Bahala ka sa buhay mo." Walang pake na saad ng kaibigan ng binata.

Sa kabilang banda, ang mga doktor sa laboratoryo ay nababahala sa kadahilanang nagkakaroon na ng malay ang isa sa kanilang eksperimento. Nag aalala ang doktor na si dok Arquero at ang kanyang kanang kamay na si dok Sylva.

Ang mga doktor na ito ay gumawa ng isang napaka laking eksperimento kung saan naisaalang-alang ang buhay ng iilang mga estudyante upang maka-gawa sila ng isang real life characters ng isang series at ang famous na game kung saan pwede itong gawing offline, na tinawag nilang "Journey to Nowhere" kung saan, sinisigurado nilang walang patutunguhan ang mga characters sa kwentong kanilang ginagawa. Sa pag bigay sakanila ng mabigat na background story, wala silang ginawa upang gawan iyon ng paraan.

"Ugh..." Sambit ng isa sa mga batang naka-higa sa kama.

"Experiment number 1886, conscious." Saad ng isang doktor na nagmomonitor dito.

"Sedative, now." Utos agad ng doktor na si dok Arquero.

Napa buntong hininga ang doktor at pinanood ang pag-uusap ng mga batang sina Nicole at Tyrillian.

"Makinig ka nga muna kasi!" Inis na sabat ng batang si Tyrillian.

"Paano kung...paano kung ang safe haven na tinatawag natin...paano kung laboratory yun? I mean, kung magising lang talaga tayo sa katotohanan? Malakas ang kutob ko, Nicole. Nararamdaman ko hindi talaga totoo ang lahat nang ito. Hindi ko pa ma-explain kung papaano pero...tangina, yung panaginip ko kasi...nagising ako doon...nakita ko kayong lahat, naka higa, walang malay...sa monitor, Oo, tumingin ako sa isa sa mga monitor doon...nakita ko yung mga nangyari sa paligid natin...simula palang nung una. Hindi ko alam pero siguro nasisiraan nalang ako ng bait. Yun lang, matutulog nalang ulit ako, sorry kung naabala pa kita." Mahabang sabi ni Tyrillian at nagpatuloy sa pag tulog.

Hindi maari.

Napa-iling ng ulo ang doktor at umalis sa loob ng laboratoryo.

——

Nicole

"BANGON na. Mag hahanap tayo kung saan ang safe haven." Paunang bungat ni Nirvana.

"Mmhmm..." Sambit ng kung sino.

Nakahanap sila Elvis Presley at Wiguel ng van na gumagana kaya naman hindi na kami nag sayang pa ng oras para umalis na.

Habang nasa sasakyan, halatang pagod pa rin ang lahat kaya tahimik ang byahe. Napag desisyunan ko ring matulog nalang.

"Sshhh...magiging okay rin ang lahat, Nicole. Dadalhin ka nila malayo dito sa bahay, hindi ka na gagambalain ng kahit na sino."

Grandma?

"Sign here. We now have consent on what to do with miss Nicole Stefania Gomez, whatever we will do and will make her do can not affect you and those around you. We have now the possession of miss Gomez."

Journey To NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon