Nicole
"NICOLE, Si Micheal!" Maiiyak iyak na sambit ni Kiana nang makita niya si Micheal na kumuha ng isang naka harang na yero na pakalat kalat sa daanan, binuhat niya ito at winagayway sa kanyang likod upang matumba ang iilang mga zombies na humahabol sakanila!
"He can handle himself, Ki. Look." Sabi ko kay Kiana. Napa tango lang siya sa akin.
Agad kong binaling ang aking atensyon sa daraanan namin nang tumigil si Matthew sa kanyang pag takbo. Agad akong tumigil sa likod niya, muntik ko pa siyang mabangga at sinilip ang kaniyang tinitignan.
Nasa pagitan kami ng mga building, itong isa lang ang daan para maka punta ng field kaso ay nanlaki ang mata ko nang makitang maraming zombies ang naka harang sa dapat naming dadaanan. Halos karamihan sakanila ay mga teachers. Napa lunok ako nang makita ko ang math teacher namin na si ma'am Vallez.
"Jesus Christ, they're all over the place." Natatakot na sambit ni Kiana at hinigpitan ang kapit sa aking braso.
"What now?" Kinakaban kong tanong kay science student este Matthew. Inayos niya ulit ang kanyang salamin at napa buntong-hininga.
"Mag tago muna tayo habang hindi pa tayo nakikita. We can't just run past them." Sambit ni Matthew at agad akong hinila sa loob ng isang classroom sa kaliwang building.
Napansin kong nasa MAPEH department nga pala kami at nasa building ng SPS, ang dalawang building na ito ang pinaka malapit sa field at pinaka malapit sa gate 3. Maraming decorations ang naka sabit sa pagitan ng mga buildings at mga naka dikit na stickers at mga paintings.
Nang makapasok kami sa pinaka malapit na classroom ay agad na sinira ni Matthew ang pintuan at agad kaming pina-yuko at pina upo malapit lang sa may bintana upang masilip namin kung ano ang nangyayari. Agad niya ring binaba ang kurtinang naka tali.
Nakita namin ang mga estudyante na kanya kanya ring pagtago sa mga bakanteng classroom. Dahil nga maraming estudyante sa public school at marami rin sila, nag unahan sila sa iilang mga classroom na bakante. Maraming magkakaibigan na nauna na pumasok at ang iba ay naiwan sa labas dahilan para makagat sila ng mga naroon.
Lahat ay magulo sa labas nang mapansin ng mga grupo ng zombies ang paparating na mga tao. Agad silang tumakbo papuntang gitna ng malaking building dahil doon maraming naka kumpol ang mga natitirang tao. Masakit sa pakiramdam syempre ang makita mo na mamatay ang mga taong ito ngunit wala tayong panahon para kaawaan sila dahil paniguradong magiging selfish rin naman sila pag sila man ang bigyan ng chance ng kalayaan.
Nagulat kami nang biglang bumukas ang pintuan, nasira ang lock at bumungad dito sina Micheal at apat na kasama niya.
Hingal na hingal silang pumasok at agad na pumunta sa harapan ng blackboard at doon naupo. Agad na inayos ni Micheal ang pintuan na kanyang sinira at nilagyan niya ito ng maraming upuan para hindi agad ito mabuksan.
Gulat kaming tatlo na naka tingin lang sakanila habang sila ay pagod na pagod na humihinga. Kita sakanilang damit ang maraming dugo na naka display sa uniform nila.
"Hi." Sambit ni Micheal nang matapos niyang lagyan ang pintuan ng maraming upuan para maging harang.
Ngumiwi ako, itinaas ang aking kamay sakanya at bahagyang kumaway. Tinanguan lang siya ni Matthew at nginitian naman siya ni Kiana habang kumakaway pa.
BINABASA MO ANG
Journey To Nowhere
Fiksi IlmiahThe story takes place on an island called Palawan where there's a city known as Puerto Princesa, A virus starts to invade humans while these teenagers overcome their deepest darkest kept secrets while shooting off heads of zombies coming their way...