Nicole
"BALAK mo rin bang maging bangkay, Ren?!" Galit na tanong ni EM habang naglalakad kami ngayon sa isang tunnel.
"Hindi naman..." Mahinang sagot ni Ren at napakamot pa sa batok.
"We just lost one of our friend, we can't lose you too!" Nanghihinang sabi ni EM pero rinig mo pa rin sakanya ang gigil.
Hindi naman sumagot si Ren, napakagat lang siya sa ibabang labi nita at hindi tumingin kay EM.
Nakita ko namang hinawakan ni Matthew si Ren sa balikat.
"I'm sorry on behalf of what my father did. I didn't knew until now na isa pala siya sa mga gumagawa ng ganito." Malumanay na sabi ni Matthew.
"Don't be. You are not your father, wala kang kasalanan." Sabi naman ni Elvis, seryoso ang mukha.
"At anong ginagawa ng lalakeng yan dito?! Pinatay na kita ah!" Sabi ni EM habang naka turo kay Alfredo, nagagalit. Hindi pinapansin ang usapan ng iba.
Napa tingin naman lahat kay EM dahil sa sinabi niya.
"Pinatay? Buhay na buhay nga eh." Sabi ko, wala na, yun na ang last straw niya sa akin, muntikan niya na naman akong sugudin pero hinarangan agad siya nila Michael at Ren.
"Alam kong lahat tayo ay may kanya-kanyang pinagdaanan bago pa man mag simula ang pandemyang ito, please refrain from harming others, lalo't lalo nang kakaunti nalang tayong mga nabubuhay sa ngayon." Sabat ni Elvis, seryosong seryoso ang pagkasabi niya.
-----
Habang kami ay naglalakad sa napaka habang tunnel at walang ilaw na makikita, napa-isip ako sa kung ano ang kinahinatnan ng aking pamilya.
Kamusta na kaya si mama? Ang kapatid ko? Buhay kaya sila?
Napa-buntong hininga nalang ako sa naisip.
Bigla kong nabangga ang taong nasa harap ko dahil sa sobrang dilim, hindi ko makita kung bakit kami huminto.
"Ba--" Hindi na pinatapos ang sasabihin ko nang takpan agad ng tao sa likod ko ang aking bibig.
Dahan dahan kaming umatras nang umatras, hindi ko alam ang dahilan.
"Gago, amp." Narinig kong bulong ni Tyril.
Agad na nanlaki mata ko nang makita ko kung bakit kami napatigil. Napa singhal nalang ako at marahas na sumipa ng hangin.
Eto na naman tayo, eh.
"Bahala na kayo dyan." Sabi ko, mabilis akong tumakbo sa daan na dinaanan namin kanina, narinig ko rin na sumunod sila sakin, nang maka-rating ako ay agad rin ako napa tigil at napa kamot sa ulo.
Gusto ko nang umiyak.
"Balik!" Sigaw ni Ren kaya agad-agad kaming tumakbo pabalik!
Ang kaninang pinto na naka-sara ay nasira na nang mga gwardya at sinusundan na kami ngayon!
"GRAAAHHH!!!" Rinig kong singhal nang dalawang zombie na tinakbuhan namin kanina lang.
Wala akong hawak na kung ano kaya agad kong tinulak kung sino man yung katabi ko.
"A-ano ba!" Sigaw niya sakin. Napa-ngiwi nalang ako.
Agad na lumapit sina Nirvana, Elvis, at Wiguel sa dalawang zombies at agad na pinatay ito gamit ang tubo na nahanap nila sa tunnel.
"Takbo!" Sigaw ni Wiguel.
Tumakbo kaming lahat habang ang tatlong mga nakaka-tanda ay nagpa-huli.
Kinarma na nga talaga ako sa mga pinanggagawa at pinangsasabi ko nang madapa ako dahil saking natapakan!
Napa-daing ako sa sakit dahil tama ang hinala ko, nag cramps paa ko! Ngayon pa talaga!
"Nicole!" Sabay sabay nilang sigaw, maliban kay EM, syempre.
Nilapitan ako ni Matthew at Michael.
"Kaya mong tumayo? Kailangan natin dalian." Sabi ni Matthew habang naka tingin sa kaliwa kong paa.
"Nag cramps paa ko." Naka-ngiwi kong sabi.
"Kaya kitang buhatin." Nag-aalalang sabi ni Micheal. Bubuhatin niya na sana ako pero umiling ako.
"I'll just slow you down." I said. Napa kunot naman ang noo niya.
"No, you're not."
"Yeah, she will. Tutal yun naman talaga role niya sa buhay...Pabuhat." Mataray na comment ni EM habang naka kibit balikat. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Binalikan nita naman ako nang pag ikot ng mata.
"Tara na, okay? Kaya kita." Michael assured me. Napa-buntong hininga nalang ako at tumango.
Lahat kami ay nag resume sa pagtakbo habang hinahabol pa rin kami ng mga tao sa likod.
EM
THERE'S no time to mourn properly for those people that we've lost. Lahat kami ay nag hahabol ng oras. Lahat ay walang karapatan mag pahinga at mag isip nang maayos.
Laging ganito ang sitwasyon.
Habang tumatakbo kaming lahat, hindi ko mapigilan isipin lahat ng mga nangyari.
Sa isip ko lang lahat yun? Ang pag patay ko sa tiyo ko? Bakit hindi nalang sa totoong buhay?
Dahil sa pag isip ko na yun ay hindi ko mapigilang tignan ang aking natitirang kamag-anak na ngayon ay tumatakbo kasama namin.
Napa-buntong hininga na lamang ako at nag isip ng ibang sitwasyon.
Nia.
I won't let your death be in vain. Silang mga doktor ang may kasalanan kung bakit ka nagka-ganyan.
We are running. Running for our lives because it is not as free as we thought. Lahat naman talaga ay may kabayaran. Eto na ata ang kabayaran ng aming pagka-buhay na hindi rin namin ginusto.
Ganito nalang ba palagi? Tatakbo?
Tatakbo sa lahat ng problemang kinakaharap hanggang sa malaman namin kung paano sila haharapin balang araw. Hindi man ngayon ngunit sa tamang panahon.
![](https://img.wattpad.com/cover/291918104-288-k608291.jpg)
BINABASA MO ANG
Journey To Nowhere
Science FictionThe story takes place on an island called Palawan where there's a city known as Puerto Princesa, A virus starts to invade humans while these teenagers overcome their deepest darkest kept secrets while shooting off heads of zombies coming their way...