SA kabila ng lahat ng pangyayari, ang katawan ni Nia ay naiwan sa emancipate room kung saan ay pinoprotektahan ng mga doktor ang walang malay na babae.
Isang lalakeng doktor ang nag salita, hawak hawak ang kanyang walkie-talkie.
"Let them be. Wala naman silang patutunguhan, lalo na't trap tayong lahat dito sa islang to." Sabi nito.
Sumagot naman agad ang mga tao sa kabilang linya.
"Roger that, Dr. Arquero." Saad nito at agad nawala ang ingay ng kabilang linya.
Ang mga patay na katawan ay naka lupasay lamang sa sahig habang inuusod na ngayon ito ng mga tauhan ng doktor na si Dr. Arquero, ang ama ni Matthew Arquero.
Dahan dahang lumapit ang doktor sa walang kamuwang-muwang na katawan ng kaibigan nina EM.
Tinitigan niya ito ng mabuti at bahagyang tumabingi ang kanyang ulo habang napa buntong-hininga.
You, of all people, became friends with my son? Sabi sa isip ng doktor.
"Dr. Arquero, ito po ang listahan ng hinihingi mo." Puna ng kasamahan ni Dr. Arquero, inaabot ang isang itim na clipboard na may mga pangalan ng kanilang dinadalang mga tao sa loob ng laboratory.
Anak pa rin kita, Matthew. Hindi ka makaka wala sakin.
Calibugan, Renato Amparo (Tested)
Elegado, Nia (Critical)
Gomez, Nicole Stefania (Unstable)
Hernaez, Michael (Unstable)
Lacsamana, Tyrillian Kristoff (Unstable)Napa kunot ang noo ng doktor nang makita ang pangalan ni Tyrillian Kristoff sa listahan.
His step son?
Napa-ngisi ang doktor sa na isip.
"What a coincidence this is." Sabi nito na parang manghang-mangha sa natutuhang impormasyon.
"Doctor, ilipat na si Elegado sa Phase Two." Sabi ni Dr. Arquero sa kasama niya na isa pang doktor. Agad itong tumango at sinunod ang utos ng kasama.
-----
Nicole
LAHAT ay pagod sa palaging pagtakbo ngunit ngayon ay nakahanap na rin kami ng matutuluyan kahit papaano.
Isa itong sira-sirang building pero, okay na rin kesa sa wala. Naka palibot kami sa bonfire na ginawa nila Wiguel at Elvis.
Sa kabila ng katahimikan, nag salita si Nirvana sa kanyang mga karanasan. Hinding hindi ko akalain na may ganito palang mga pangyayari. Katulad sa mga SciFi na movies na mga pinapanood ko. Star struck pa rin ako hanggang ngayon.
"Everything that was there was all the doing of Thanatos Institute." Sabi ni Nirvana na mas lalong nagpa-kunot sa noo namin.
"They have captured us once before this pandemic happened...we successfully escaped...and they had us again this time, they had us all to experiment with our brains." Dagdag ni Nirvana.
Oh my ghad. Mas malala pa to sa Divergent. choz.
"Care to explain what the hell is Thanatos Institute?" Inis na sabi ni EM, halatang hindi gets ang pinag-uusapan.
Tong babaeng to, kahit kelan.
Bumuntong-hininga si Nirvana.
BINABASA MO ANG
Journey To Nowhere
Ciencia FicciónThe story takes place on an island called Palawan where there's a city known as Puerto Princesa, A virus starts to invade humans while these teenagers overcome their deepest darkest kept secrets while shooting off heads of zombies coming their way...