013 : As We Know It

42 16 2
                                        

Matthew

"ASAN na si Tyril?" Tanong ni Michael habang kinukuskos ang towel sakanyang buhok. Kakatapos lang maligo.

"Kasama niya diba si Nicole?" Sagot ni Ren habang ngumunguya ng kanyang pagkain.

Naka-upo akong kumakain ng pagkain na binigay sa amin mula sa tray habang tinitignan lang silang lahat.

"Kamusta na kaya si EM? Pina-testing na rin siya agad." Sabi ni Michael.

"Sana naman ay okay lang ang pamangkin ko." Sabi ni Alfredo.

Kumunot ang noo ko nang makita kong sinamaan ni Ren ng tingin si Alfredo.

Ngayon ko lang nakilala si Alfredo, tiyuhin siya ni EM at mukhang hindi sila nagkakasundo ni Ren, wala ako sa posisyon para mang judge ng tao kaya wala muna akong masasabi tungkol sakanya.

Tumingin naman ako kay Michael.

Si Michael ay maalahanin, inuuna niya ang iba bago ang sarili niya, magaling siya sa pag weweightlift obvious naman sa katawan niya, hinahayaan niya lang na mag comment ang iba tungkol sa katawan niya kung gaano siya kabigat at kung gaano siya kalaki dahil alam niyang okay lang yun sakanya at pinag hirapan niya kung nasaan na siya ngayon.

"Ang kapal rin talaga ng mukha mong tawagin siyang pamangkin mo." Striktong sabi ni Ren kay Alfredo.

Sa pagkakakilala ko kay Ren, masayahin siya at palabiro, lagi niyang binibiro ang mga kasama niya at lagi niyang kasama si Tyril mag biruan at mang asar ng iba. Nung maka sama niya si Alfredo o kung nakakasama niya ang tito ni EM, suma-sama ang timpla ng ugali at pagmumukha niya. Para bang may masamang ginawa si Alfredo sakanya para maging ganyan siya.

Si EM ay tinawag kanina ng isang staff na si Dr. Simoun. Sa emancipate room three for testing.

"Bakit ba galit na galit ka sa akin, Renato?" Natatawang tanong ni Alfredo, halata naman sa boses niyang kinakabahan siya. Mukhang ayaw niyang may masabi si Ren ng tuluyan.

Tumayo si Ren sa kinauupuan niya at dahan dahang lumapit sa tito ni EM tapos ay dinuro duro niya ang pagmumukha nito.

"Stop acting already, you piece of shit!" Gigil na sigaw ni Ren kay Alfredo, akmang susuntukin na ni Ren ang tito ni EM nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin.

"Amparo Renato Calibugan, emancipate room four, come with me." Sabi agad ng Doctor.

Agad na nag hunos dili si Ren, tinignan niya muli si Alfredo bago tuluyang lumabas sa kwarto at sumama sa Doctor.

Tumingin ako kay Alfredo na parang naka labas sa matinding away.

"Matthew Arquero, emancipate room six." Sabi sa akin ng isa pang Doctor na dumating sa aming kwarto.

Bumuntong-hininga ako, tumayo tapos ay nilingon si Michael at tinanguan siya bago sumunod sa Doctor. Tinanguan niya naman ako pabalik.

Habang naglalakad ay inayos ko agad ang aking salamin sa mata.

I always see the world diffrently...or uniquely, others say. I don't know about them...but I see the world just as normal as it is. Just like everybody sees it.

Journey To NowhereMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon