Nicole
"KIANA!?" Sigaw ko ngunit agad akong hinampas ni Ren at sinenyasan na tumahimik. Tumatakbo na kami sa hallway ng second floor at tintitignan isa isa ang kwartong nadaraanan namin.
"Elyse?!" Sigaw ng isang lalake na ang boses ay familiar sa amin.
Lumingon kami sa aming likuran at nakita ko agad si Michael na puno ng dugo yung damit niya at kasama niya si manong Alfredo na puno rin ng dugo at mas madungis kesa sa kanina niyang anyo!
"Where's Kiana, Michael!?" I hysterically asked while holding both of his shoulders once I got near him.
His face looks in so much agony. Hinawakan niya ang braso ko para ibaba niya yun at tinignan ako sa mata.
"Hin-Hindi ko siya mahanap...Nag insist kasi siyang samahan si mang Alfredo mag libot, hahanapin niya daw anak niya. Sumama si Elvis pero nung tumalikod lang siya saglit, nawala na silang dalawa." Nanlulumo niyang sabi.
Agad na kumunot ang noo ko at kinagat ang ibabang labi, huminga ako ng malalim at agad na pinakawala ang hangin na yun.
"Hanapin ang anak mo? Alfredo, wala ka ng anak. Patay na siya 2 years ago." Sabat ni Ren, kita ko ring naka kunot na ang kanyang noo. I gasped nang marinig ang sinabi ni Ren.
Tinignan ko ng masama si Alfredo at dinuro duro.
"Nagawa mo pang lumabas ng sasakyan at mag...ano?! Walking? Akala mo ba nasa mendoza park ka?! Para mag strolling?! You lied when you said you'll look for your damn child!" Inis na tanong ko kay Alfredo. Wala siyang ginawa kundi hindi ako tignan sa mata. Tumingin lang siya sa sahig.
"Libot libot...Naknampucha. Kapag may nangyari kay Kiana, humanda ka talaga. Ako mismo mag papalapa sayo sa mga hayop na yan." Mariin na sabi ko habang dinuduro pa rin siya.
"Kumalma ka, Nicole." Sabi ni Nirvana. Nilingon ko siya.
"Calm? Calm?!" Tanong ko at napa buntong-hininga.
"How am I...Suppose to be calm??? When my friend is nowhere in sight!!" Dagdag ko at sumigaw sakanila. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko at ang pag hinga ko kaya agad akong hinawakan ni Michael pero agad ko yung hinampas paalis.
"Wala ng oras para mag dabog ka ngayon, kailangan nating hanapin si Nia at Elvis." Madiin at maawtoridad na sabi ni Nirvana kaya napa buntong-hininga nalang ako at sinisikap na kumalma.
----
"KI-AH-NA?!" Syllable by syllable kong tinawag ang pangalan ng bruha habang wala na akong pake kung narinig ba yun ng mga zombies.
"Nicole--"
"Shhh!" Sambit ko habang tinaas ang kaliwang kamay ko sa pagmumukha ni Ren senyales na mag shut the fuck up siya.
"Nicole?!?! Nicole, Huhu! Asan ka?!?!" Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses mula sa malayo.
Agad ko yung nakilala.
"Kiana, wait! Bakit ka kasi humiwalay kay Elvis?!" Inis na sigaw ko at nauna ng tumakbo patungo sa boses ni Kiana!
Tyrillian
BINABASA MO ANG
Journey To Nowhere
Science FictionThe story takes place on an island called Palawan where there's a city known as Puerto Princesa, A virus starts to invade humans while these teenagers overcome their deepest darkest kept secrets while shooting off heads of zombies coming their way...
