Tyrillian
BAGOT na bagot na ako sa kotse na to. Ang ingay ingay ni Ren at nung Wiggles na nag dadrive sa amin. Sinusundan namin yung unang sasakyan kung saan si Nicole at Nirvana lang ang naka sakay.
Bakit ako nandito? Paki sabi, bakit? Wala akong makitang rason kung bakit. Mas gugustuhin ko pang asarin si Nicole kung bakit kulay kamote ang buhok niya at bakit para siyang kamote.
Ilang oras na kaming nag babyahe at hindi ko na alam kung saang lupalop ba to ng Puerto o kung nasa Puerto pa ba kami.
Napa buntong-hininga nalang ako at tumingin sa mga bubwit na to na parang nag roroad trip lang dahil may pa music pa, ginagamit nila yung cellphone ni Ren na hindi pa deadbatt. Ang nakakaiyak nga lang doon, wala ng internet o kuryente o data man lang kaya nag tipid sila sa downloaded songs ni Ren na puno ng katarantaduhan at kaputanginahan.
"MalandeEeeE?!" Napiyok pa ang ugok na si Wiggles kaya humalakhak si Ren ng sobrang lakas. Ramdam ko mahuhuli kami ng mga zombies kapag hindi pa sila manahimik.
"Huwaaaaag n'yo akong husgahan, hindi n'yo pa 'ko kilala!! Tangina nyow!!" Kanta ni Wiggles habang pinalo pa ang manibela.
"Kalimutan mo na yan sige sige maglibang!!!"
"Baby, hindi ko na kaya!! Sobrang saya ko na muli tayong magsasamaaaaa!!"
"Baybeehh!!! Pauwi na me--!"
Hindi na natapos yung kanta ng dalawang mga tanga nang biglang tumigil ang sasakyan nila Nicole.
"Oy, baket?!" Tanong ni Wiggles habang naka dungaw na yung ulo niya sa bintana ng sasakyan niya.
Nakita ko na bumaba si Nicole kasunod si Nirvana kaya sumunod na rin ako, syempre, sumunod na rin sa akin si Ren.
"Eto yun?" Tanong ni Michael kaya naguluhan ako.
"Anong eto? may mga tao ba dito?" Tanong ni Ren.
"Hindi kasi kami briniefing netong minion mo, Nirvana. Nag sound trip lang sila buong byahe ni Rene Boi." Sabi ko at nag kibit balikat.
"Renato nalang tawag mo sakanya, Tyril." Sambit ni Michael. Nakita ko naman sinamaan agad siya ng tingin ni Rene Boi.
Agad na napakunot ang noo ko sa kuryusidad kaya dali dali akong lumapit kay Michael, inakbayan ko siya at nginitian.
"Nais kong malaman ang buong ngalan ng lalakeng ito na si Rene Boi kung pupwede, Ginoong Mikel." Saad ko.
"Wag kase, Michael! Ipapakulam kita kay Nicole! Sige!" Agad na sabi ni Rene Boi. Lumapit siya kay Michael, tinulak ako paalis at agad na hineadlock ang ma-muscle niyang kaibigan, obviously, hindi niya makayang maheadlock si Michael.
Sa tangkad palang ng dambuhalang to, tatalunin niya pa siya para maabot lang ang leeg niya. Agad kasing umiwas si Michael na tawang tawa.
"Amparo Renato! Hahaha! Tae. Makalumang makaluma, Ren! Hindi pa rin ako maka-get over nung, bwahahahahah!!! nalaman ko yung pangalan mo--Ahahaha!!!!" Tawa ni Michael, halos hindi niya na maayos yung pangungusap niya dahil tawa siya nang tawa.
BINABASA MO ANG
Journey To Nowhere
Ciencia FicciónThe story takes place on an island called Palawan where there's a city known as Puerto Princesa, A virus starts to invade humans while these teenagers overcome their deepest darkest kept secrets while shooting off heads of zombies coming their way...
