"AND that's a wrap, guys! Thank you, enjoy your evening!" Masiglang saad ng dalagang si Nicole. Agad na nag ligpit ito ng mga gamit at dali daling umalis nang nagka banggaan sila ng kaibigan niyang si Emmelin Mae na may hawak hawak na kape. Buti na lamang ay hindi ito nabuhos.
"EM, sorry! Nagmamadali lang!" Saad nito at tumakbo papuntang exit door.
"Okay lang. Sa susunod mag ingat ka. Congrats sa release ng bago mong laro!" Sabi ng kanyang kaibigan. Nag patuloy na naglakad ang babaeng si EM hanggang sa makarating ito sa kanyang desk kung saan kinalabit niya muna ang kanyang desk mate na si Renato Calibugan.
Agad na tinignan ng masama ni Ren ang dalaga kaya natawa naman ito.
"Wag mo'kong tignan ng ganyan. Porke, ang pangit ng mukha ng character mo sa laro ni Nicole, naka busangot ka na buong buhay mo." Biro ni EM.
Napa buntong hininga naman si Ren at napa sandal sa upuan niya habang ang dalawang kamay ay nasa likod ng kanyang ulo, ginawa niya itong unan niya.
"Buti pa yung kay Nicole, na-approved agad. Hindi naman ganon kaganda ang plot twist. I mean, typical sci fi lang yun." Sabi ni Ren at pinatong naman ang kanang paa sa kanyang hita habang tinitignan si EM na umiinom ng kanyang kape.
"Eh patok naman sa lahat." Sabi ni EM nang matapos itong uminom ng kape, tinaasan pa ng dalaga ng kilay ang lalaking si Ren at ngumiti.
"Tignan natin sa facebook." Saad nito at pumunta sa facebook.
Luis Silvantes
1 hour agoOK TRY NIYO TONG JOURNEY TO NOWHERE, KAHIT PAPAANO ANG POGI KO DITO
Aica Agripa
22 hours agoWhat if d2 q na mahnp ng love of my life q hijiji
Mae Josefa
13 hours agoGagi ang smooth ng quality, 100% try niyo
"At marami pang iba. Atbp." Saad ng dalagang si EM at tinignan si Ren na naka busangot na naman.
"Hay nako, Ren. Hindi pa katapusan ng mundo, makaka-generate ka rin ng iyo. Malay mo yung iyo, pang interactive love story naman. Gustong gusto ko yun ng teenager pa'ko." Pagbibigay lakas loob ng dalaga sa binata.
Ngumiti na lamang si Ren at bumalik sa kanyang computer.
Sa kabilang banda, tumatakbo pa rin ang dalagang si Nicole papunta sa elevator.
"Wait! Wait!" Sigaw nito at agad naman na pinigilan ito ng binata.
"Baby!" She was surprised to see her boyfriend, holding a bouquet of flowers in his right hand.
Nicole's boyfriend smiled at her and grabbed her waist in the elevator to seal her lips with a kiss. She then smiled against his lips while they kissed.
"I see, you've seen my game?" Nicole uttered, staring at her boyfriend's face.
Tumango naman ang binata at hinalikan muli ang girlfriend sa pisngi.
![](https://img.wattpad.com/cover/291918104-288-k608291.jpg)
BINABASA MO ANG
Journey To Nowhere
Bilim KurguThe story takes place on an island called Palawan where there's a city known as Puerto Princesa, A virus starts to invade humans while these teenagers overcome their deepest darkest kept secrets while shooting off heads of zombies coming their way...