017 : Leaving

37 10 0
                                        

Nicole

NAKA higa ako ngayon habang may taong naka upo sa aking tyan, si Dolores.

Kahit na maliit siya alam niyang makipag-laban at nakakainis yun.

Bakit ba kasi lagi ko tong ina-underestimate? Natatalo tuloy ako.

"EM!" Tawag ni Wiguel kay EM.

Nakita ko namang may binato si Wiguel kay EM. Pagka tingin ni EM, mga arrow pala ang laman nang binatong lalagyan ni Wiguel. Inabot naman sakanya ni Elvis ang bow.

Napa ngisi si EM dahil roon habang ineexamine niya pa ulit ang binato ni Wiguel.

Sana all.

"A-ano ba!" Inis na sigaw ko nang maramdaman kong sinuntok ako ni Dolores sa mukha!

Hindi naman ako maka-alis dahil sa sobrang bigat niya!

I don't know why are we fighting though.

Isn't nice dahil nag reresearch sila about sa virus na kumakalat and they're helping us?

Although, they tried to kill EM by euthanasia because she might be a threat if ever she'll get bit. That's very much foul considering EM is a human, definitely with feelings.

Rage, anger, and hatred kind of feel.

Sinubukan kong hawakan si Dolores sa magkabilang balikat nang sugatan niya ang aking kanang pulsuhan!

"The heck?!" I screamed while looking at my wrist

"Nia' BP is dropping!" Sigaw ni Wiguel nang maka lapit siya sa may uluhan ni Nia.

"Puta. Umalis ka nga sa taas ko!" Inis kong sabi at tinulak si Dolores ng malakas sa sahig.

Mabuti naman at natulak ko siya ng malayo-layo kaya agad akong tumayo at hinawakan ang aking pulsuhan.

Napa kagat ako sa ibabang labi nang maramdaman ko ang hapdi.

"Halika." Sabi ni Tyrillian.

Hinatak niya ako papalapit sakanya. He wrapped a piece of cloth on my wound and sealed it. Hindi gaanong mahigpit at hindi rin maluwag.

"Mababaw lang ang pagkaka sugat kaya buhay ka pa rin." Sabi ni Tyrillian at ginulo pa talaga ang buhok ko.

"Nia, don't give up. Please." Sabi ni EM nang maka-lapit siya kay Nia.

Nakita ko namang tinalian na ni Nirvana si Dolores para hindi na maka-galaw ang hangal.

"Minerva." Tawag ni Nirvana sa kapatid niya.

Nakita ko naman si Minerva na parang nakikinig sa labas.

"They're still running this way, ate." Sabi ni Minerva.

Nagtataka ako paano niya nalalaman yun eh, wala nga akong naririnig kahit footsteps man lang.

"Make it was, Wiguel." Sabi ni Nirvana, naghahanda sa mga darating.

Journey To NowhereMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon