005 : Slide N Glide

107 33 1
                                        

Nicole

"ON second thought, ayoko mauna." Sabi ko nang buhatin ako ni Tyrillian.

"Abutin mo na kung anong maabot mo! Hindi ka rin masyadong magaan tandaan mo yan!" Nahihirapang sabi ni Tyrillian.

"Sino ba naman kasing may pakana na ako ang buhatin at paunahin?!" Inis na tanong ko. I just heard him groaned in frustration.

"Just grab something or whatever!" Maarteng sabi ni EM. I rolled my eyes at her. Bumuntong-hininga ako at sumigaw sakanila.

Kahit na sinabi ko na dati na kapag may zombie apocalypse, hindi ako magtatry para mabuhay, joke lang yun, Lord.

"Ugh! Fuck all of you to every pits of hell!!" Sigaw ko. Malakas kong hinampas ang zombieng naka harang sa harap ko, dali dali akong kumapit sa natirang piece ng bubong at agad na umakyat sa taas!

Nang maka tayo ako ay agad akong sinalubong ng mga gutom na zombies na papalapit sa akin. Gusto ko sanang sumigaw pero wala namang lumalabas sa bibig ko na tinig.

Hinanda ko ang baseball bat.

"Paki dalian niyo dyan at samahan ako, pwede?!" Sigaw ko sakanila sa baba.

Nakita ko naman agad ang sinasabi ni Matthew na nakita niyang slide, masyado na yung marumi at maraming naka kalat na dahon kung titignan mo.

"GRRAAAA!!!" Singhal sa akin ng iilang mga zombie at tumatangka na lumapit sa akin. Sa takot kong mahulog sa butas ay lumayo ako doon habang malaki ang matang naka tingin sa mga zombies, nasa harap ko yung baseball bat para hindi sila tuluyang lumapit sa akin.

"SKRRRSSSH!!" Singhal ng nasa gilid ko, dali dali akong lumingon doon at hinarap sakanya ang baseball bat ko.

"Ang bigat mo, Michael! Ilang kilo ka ba?!" Rinig ko na tanong ni Ren na bigat na bigat tulungan si Michael.

Nakita kong pumanhik na rin si Matthew sa kabila ng butas at agad na nilabanan ang zombie na nasa kanyang harapan.

"You know what? I could use a rage room right now but you will do." Sabi ko at dali dali ko silang pinanghahampas, wala na akong pakialam kung sino ang mahampas ko basta ang makita kong nanlalaway na black at mapupulang mata ang pinapalo ko.

Agad akong tumigil nang si EM ang maka harap ko.

Muntikan ka na.

"Pent up anger?" Biglang tanong ni EM nang maka akyat siya nang tuluyan.

"Eh." I said while shrugging, matapos non ay agad na pinalo ulit sa ulo ang nasa harap ko.

"Ilang years mo na yang kinikimkim? Parang matagal tagal na rin ah." Pang gagatong pa ni Tyrillian habang tinutulungan si Nia maka akyat.

"Halos naubos mo silang lahat, Nicole." Sabi sa akin ni Michael. Napa ngiti nalang ako sakanila.

"Bakit ba?" Tanong ko. Pumunta si Matthew sa tabi ni Michael sa gilid ng bubong at sumilip sa baba.

Journey To NowhereMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon