Nicole
"GISING na mga kababayaaaaaan!!!" Sigaw ni Ren o kung sino mang sumigaw nun. Hindi na talaga ako naka tulog kagabi dahil napasarap ang kwentuhan.
Ang daldal daldal ni Ren at ni EM, isama mo pa si Nia at Kiana. Halos lahat naman sila.
Pinalo ako nito sa likod dahil naka dapa ako sa sahig. Hindi ko rin alam kung bakit nasa sahig na ako ng sala.
"Hmmm...mmm..."
Nag simula akong mag stretch sa sahig at humarap sa katabi ko. Nag mulat ako ng mata at nakita si Tyrillian na naka tingin sakin habang simpleng ginawang unan ang naka tupi na dalawang braso sa ulo niya.
Ilang minuto pa kaming nagtitigan at walang sinasabi sa isa't isa habang nagpapamanman. Hindi ko magawang alisin ang tingin sakanya dahil hindi naman talaga ako naka titig sakanya. More like sa noo niya and as a matter of fact, I am half asleep so I don't really know.
Natauhan nalang ako nang mag salita siya.
"Good morning." He said in a deep voice. Clearly kakagising niya lang.
Parang nagising ang buong diwa ko at agad na napa bangon sa hinihigaan. Agad akong napa buga ng hangin at napa sapo sa noo ko matapos ay kinusot kusot ang mata ko.
"Hoy, Nicole. Tingnan mo to." Tawag sa akin ni Ren. Hinila niya agad ako bago pa man ako maka desisyon ng sagot.
I am still half asleep nang itapat niya ako sa bintana ng bahay, mas lalong nagising ang diwa ko nang magka face to face kami ng isang zombie na tumitingin kung ano ang nasa loob ng bahay.
Agad akong napa atras sa bintana at sinamaan ng tingin si Ren.
"Nagising ka na rin." Sabi niya at umalis na agad.
Mabuti nalang at tinted ang bintana kaya hindi kami masyadong kita sa loob at parang tanga lang ang zombie na naka dungaw dito.
Hinawakan ko ang aking dibdib at pinakalma ko ang sarili ko. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko pwede na akong mamatay ngayon na.
Napa buntong-hininga ako at inis na nilingon si Ren na ginugulo ang naglulutong si Kiana. Mukha naman silang bagong ligo lahat. Hindi na rin naka suot si Kiana ng onesie. Which is a good thing.
"Kukulamin talaga kita, Ren!" Mahinang sigaw ko, tinakbo ko siya habang siya ay nanggugulo kay Kiana. Natigilan lang siya nang makita niya akong papalapit sakanya.
Hindi ko alam kung bobo ba siya o bobo talaga pero dahil binuksan niya ang likod na pinto sa bahay na ito eh, sabihin na nating bobo talaga niya. Tumigil ako malayo sakanya at tinignan ang labas kung meron bang naghihintay sakanyang zombie. Nang mabuksan niya talaga yun ay nag hanap agad ako ng pwedeng ipang hampas sa pagmumukha niya pag tumakbo siya papunta sakin.
"Bakit? Hahaha!" Tanong niya pa at tumawa na akala mo sira ang ulo. Ngumiwi akong humarap sakanya, may hawak hawak na baseball bat na nakita ko sa ilalim ng counter.
Nakita ni Ren ang hawak ko pati na rin ang itsura ko hanggang sa marealize niya ang ginawa niya pero bago pa man niya masara ay may pumigil na agad na mga kamay dito. Napa sapo ako sa noo nang sumigaw siya nang sumigaw dahil hawak hawak na rin siya ng isa sa mga zombie na ito.
BINABASA MO ANG
Journey To Nowhere
Science FictionThe story takes place on an island called Palawan where there's a city known as Puerto Princesa, A virus starts to invade humans while these teenagers overcome their deepest darkest kept secrets while shooting off heads of zombies coming their way...
