022 : Is This The Real Life? Is This Just Fantasy?

15 3 0
                                        

Nicole

"Ahhh, masakit rin ulo ko..." Mahina kong sambit habang mahigpit ang hawak sa binigay na bote sa'kin ni Matthew.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong sakit. Masakit siya na hindi? Alam mong masakit pero akala mo wala?

"Doc, isa isa na silang nagigising. Wala na kaming magawa." Ani ng isang doctor na babae.

Ramdam ko na naka higa lamang ako sa isang napaka-lambot na kama, dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nilibot tignan ang paligid.

Hospital? Laboratory? Na naman?

Sinubukan kong pagalawin ang mga daliri ko, tinignan ko ito at may naka-kabit pala sa akin na dextrose. Napa-lunok ako ngunit ramdam ko ang pagka-tuyo ng aking bibig. Halos wala man lang laway? Masakit sa lalamunan.

"Doc—" Hindi na pinatapos ng doctor ang sasabihin ng kasamahan niya.

"Let them be. It is their time anyway. Magkakaron na tayo ng bagong season. Meaning, new characters." Sambit ng doctor.

Shuta, kilala ko'to ha? Tatay to ni Matthew??? Eh diba tinatakasan namin sila?

Nilibot ko pa ang paningin ko nang matigil ito sa isang babae na may pangalan sa ulohan.

Nia Elagado, Evicted.

Nia?!? Evicted?? Ano yun? Wala na talaga siya?!

Nakita ko namang hinila na nila ang kama ni Nia sa hindi ko alam na lugat kaya naman nag patuloy na libutin ng mata ko ang paligid. Napa tigil ako nang nakita ko ang isang pamilyar na lalaki.

"Tyrillian." Mahina kong sambit ngunit sapat na para marinig ng doctor na nasa tabi ko. Akmang kukuha na ito ng sedative na ituturok papasok sa dextrose ng unahan ko na siya dahil agad agad akong tumayo sa kama kahit na naramdaman ko agad ang sakit ng katawan ko ay hindi ko ito ininda.

Agad kong kinuha ang scalpel na nakita ko sa gilid lamang ng aking kama at tinutok ito sa doctor na naka-facemask pa.

Rinig na rinig ko ang sarili kong pag hinga, kinakabahan ako sa nangyayari pero hindi ko dapat muna ito pansinin. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang malaking monitor kung saan napa tigil ako.

Nakita ko ang sarili ko na walang malay habang inaalalayan ng dalawang lalaki na sina Matthew at Tyrillian. Habang si Wiguel naman ay dahan dahang inilapag si Nirvana sa upuan ng van. Nakita ko rin si Ren at Michael na abala sa walang malay na si EM.

Walang malay si EM at si Nirvana. Andito rin sila...pero saan? saan dito banda?

"Experiment 1887...Miss Gomez..." Rinig kong sambit ng doctor.

Tumingin agad ako sa doctor at agad ko siyang nilapitan at inambahan na sasaksakin nang napansin kong may pinindot siya na button upang mag ingay ang paligid!

Kailangan kong hanapin sila EM...Gisingin ko rin muna kaya ang iba?!

Napa iling ako sa naisip pero nakita ko si Tyrillian na nasa malapit lang.

"AHH" I saw Tyrillian gasped for air as Elvis went and cut his dextrose off! I was dumbfounded of what I saw until Elvis grabbed his arm and mine as we are no running away from the bad guys!

Journey To NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon