Prologue

282 3 0
                                    

TW: Suicide.

"Depression is a silent killer.
Therefore, we should be loud enough
to save someone from drowning."


I gave him my all, yet he let me down. I thought I found the one who would love and embrace my imperfections, but in the end, what I found was another person who would cause me excruciating pain. 

Nagmahal lang naman ako, umasa na baka totoo na, pero bakit palagi na lang akong nabibigo? Bakit palagi na lang sinasampal sa akin ng mundo na hindi ako karapat-dapat mahalin ng totoo?

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ko habang tinatahak ko ang daan palabas ng villa. It's heavily raining outside, pero hindi ako natigil no'n sa pagtakbo palayo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman matapos ang natunghayan ko. Ganito pala kapag napatunayan mong totoo ang lahat nang hinala mo. Sa sobrang sakit, namamanhid ka na. Sa tagal mong tiniis, bigla ka na lang sasabog.

When the wind slapped my skin, I stopped to feel the coldness of the raindrops that ran down through my body. Mabilis akong bumagsak sa buhangin at doon humagulgol. What did I do to deserve this pain? Masama ba 'kong tao? Hindi ko naman kasalanan ang mabuhay sa mundong ito. Ni hindi ko nga piniling mabuhay. 

My biggest fear is to get left behind, so I bear everything that they throw at me. Kahit na hindi ko gusto, ginugusto ko para sa kanila. Isang beses lang naman ako naging makasarili. Iyon ay ang pagpili ko sa sarili ko, pero sa isang pagkakataong iyon, ibinaon ko pa pala ang sarili ko sa mas matinding sakit—sa mas mahirap na sitwasyon.

"You have me. You won't be alone now." I could still remember how my eyes glimmered because of his flowery words. "You're my beauty." I'm in great pain because of him, yet I still choose to remember what we had. We almost had it all, didn't we?

"Y-you asked m-me to s-stay by your side u-until the e-end of the t-this world," I cried in pain. "Y-you e-even g-gave me this ring t-to p-prove your love f-for m-me." Sa isang haltak, mabilis kong natanggal ang singsing na matagal kong pinanghawakan. "It's a-all for t-the s-show, isn't i-it?" I tried to smile, but my heart is not allowing me.

"I g-got fooled, once again." Dahan-dahan akong tumayo at tinanaw ang malakas na alon sa karagatan. "It p-probably n-nice if this w-would also b-be the last."

Diretso ang tingin ko sa harapan habang unti-unti akong humahakbang palapit doon. Masyado nang maraming sakit ang nadama ko. Masyado nang maraming problema ang binigay sa akin. Tama na siguro 'to? P'wede na siguro akong magpahinga?

Huminto ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa paanan ko. It's so cold like my empty heart. Malimit lamang akong ngumiti dahil sa wakas, matatapos na ang paghihirap ko. Death is the end, they said, but I'd gladly welcome it if it'd end my misery, too. 

"Forgive me," I said as I reminisced the rare good time I had with the people I love.

Nang muling gumalaw ang mga paa ko, hindi na 'to tumigil pa hanggang sa lamunin na ng tubig ang katawan ko. My body tried to fight, but my soul has already given up. Thank you for the life You let me borrow. I'd give it back now.

When I was about to close my eyes for eternity, I heard an echo calling my name. I smiled for the last time as I was ready to see what was waiting for me on the other side.

"Cheska!" 

Natulala ako sa kisame ng kwarto ko. Basa ang gilid ng mga mata ko dahil sa luhang tumulo mula rito. Ilang taon na ang nagdaan matapos ang gabi kung kailan sinukuan ko na ang buhay ko, ngunit kahit ilang taon na ang nagdaan, sariwa pa rin sa akin ang lahat. Hindi na nagdurugo ang sugat ko, pero kumikirot pa rin ito at hindi pa tuluyang naghihilom.

Minabuti kong simulan na ang panibagong araw ko kaysa ang magmukmok na maaaring maging dahilan lamang upang hindi ko matapos ang lahat nang dapat kong gawin sa araw na ito. 

Katulad ng aking nakasanayan sa tuwing sisikat ang araw, nagtimpla ako ng kape at pinatong iyon sa study table. Naupo ako sa harapan ng laptop ko. Ilang segundo akong natulala sa blankong papel bago kusang gumalaw ang mga daliri ko upang magtipa ng mga letra na nakabuo ng isang salita hanggang sa mapuno ko ang isang buong pahina. 

At least one page per day, that's my motto. Kaya kaagad kong pinatay ang laptop ko upang maghanda para sa pagpasok ko sa paaralan. I'm not meticulous, so it only took me minutes to finish. 

"Magandang umaga, Ma'am," nakangiting bati ni Ate Judit nang madatnan ko siya sa labas ng bahay.

Ini-lock ko muna ang gate ng apartment bago ibalik ang ngiti niya at sabay sabing, "Magandang umaga rin po, Ate Judit."

"Papasok ka na po, Ma'am?"

Lumapit ako sa kanya at saka huminto upang pagmasdan ang tahimik na kalye kung nasaan kami naroroon ngayon. 

"Opo, may aasikasuhin pa po kasi ako sa faculty." Napakamot ako sa batok nang ngumiwi siya at saka umiling-iling.

"Oh, siya, sige. Hindi naman kita mapipilit na mag-agahan muna rito sa munti kong bahay kaya mauna ka na. Basta't huwag kang magpapalipas ng gutom."

Napangiti at napatingin ako sa magkahawak kong kamay. "Opo, hindi ko po kalilimutan."

Isang buntonghininga at ngiti pa at pinakawalan na 'ko ni Ate Judit. Siya ang may-ari ng apartment na inuupahan ko kaya dapat akong makisama.

Dinama ko lamang ang sariwang hangin sa buong paglalakad ko patungo sa Mary Jane's High School. Ang tahimik na paligid at malamig na hangin ang nagpapagaan ng kalooban ko. Walking my way to the school early in the morning is what rest means to me. Kaya siguro minabuti kong mamuhay ng payapa rito, isa na rin sa dahilan ay dahil walang nakakakilala sa akin dito. 

Walang nakakakilala, walang manghuhusga, at higit sa lahat, walang magpapaalala sa akin ng nakaraan. Dito sa bayan ng Santa Cruz ko piniling magsimulang muli. Marami na 'kong bagyong sinuong at mga laban na napanalo kaya ang pagkuha ng sarili kong buhay ay wala na sa isipan ko.

Maghihintay na lamang ako hanggang sa dumating ang araw na kusa Niya na 'kong kukuhanin—kung kailan bukal na sa loob niya ang pagtungo ko sa kabilang mundo. Pero sa ngayon, mabubuhay muna 'ko kahit na hindi ko na alam kung ano pang saysay ng mundo.


Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon