Chapter 16

46 2 5
                                    


Everyone will
have a say,
but the choice
will always
up to you


"You know what? Stop defending that nurse—you're not her lawyer."

Napailing na lang ako dahil ayaw niyang tigilan si Nurse Kate. Alam ko namang lahat tayo ay may kanya-kanyang bad days. Hindi dapat tayo hinuhusgahan dahil lang doon. I still try to think that she's more of what Martina thinks of her. There's always goodness in everyone.

"Tigilan mo na nga si Nurse Kate. Na-o-obsess ka na sa kanya, pa'no iyong boyfriend mo sa Rome?"

"Huh!" she said, sounding offended. 

Natawa ako sa itsura niya. Nakanguso siya at nakahawak sa dibdib niya.

"Stop that, Cheska!" saway niya. "I can like girls, but I certainly don't like that nurse."

Nagkibit-balikat lang ako dahil natahimik din siya tungkol kay Nurse Kate. Nang umalis siya kanina ay hindi na namin siya muling nakita. Siguro'y nilakad niya lang talaga si Mando rito para makalanghap naman ng sariwang hangin iyong asa.

Medyo nag-aalala lang ako dahil baka nahihirapan siya kay Mando. Ayaw ko siyang siraan sa utak ko, pero base sa ilang beses na tagpo namin kasama si Mando, mukhang hindi siya gano'n kagusto no'ng aso. Siguro rin na gusto lang ni Mando'ng makawala at tumakbo. I'm not really sure because I can't read what's on Mando's mind.

Hindi gano'n karami ang mabibili rito sa bayan, pero ilang paperbag ang hawak-hawak namin ngayon dahil bumili ng pasalubong si Martina para sa boyfriend niya. Na-miss niya rin daw ang mga pagkain dito kaya lulubusin niya na ang pananatili rito.

Tanghali na nang pumasok kami sa isang kainan malapit sa simbahan. Ito ang napili ni Martina dahil may aircon daw at mainit sa labas.

"Finally!" ani Martina nang maupo kami sa loob ng restaurant. Mahaba kasi ang pila rito dahil punuan. Sikat yata ang lugar na 'to sa mga turista. "Hindi ko na talaga kaya ang init sa Pinas," umiiling na dagdag niya habang tinatali ang buhok.

"Ano'ng kakainin mo?" tanong niya nang abutan kami ng menu.

"Sinigang sa 'kin," kaagad kong sabi nang makita sa menu iyon.

Hindi naman ako malakas kumain kaya sinara ko na kaagad ang menu matapos sabihin kay ate ang order ko. Samantalang si Martina ay nagtagal sa pamimili. Nanlalaki ang mga mata niya habang sinusuyod ang kabuuan ng menu. Manghang-mangha siya sa nakikita dahil ngayon na lang daw ulit siya nakahawak ng menu na puro Filipino foods ang laman.

"Have you forgotten na nasa Pilipinas ka na?"

Umirap siya. "Panira ka talaga ng trip kahit kailan!"

Ngumisi lang ako dahil paborito ko talaga ang inisin siya. Isa ito sa na-miss ko. Noong mag-isa pa lang kasi ako rito, tahimik lang ako. Normal naman na tahimik lang ako bago pa man dumating sa lugar na 'to, pero bago ang nangyari noon, madaldal talaga ako kapag kasama si Martina. Sa kanya lang kasi ako nakakapag-open up tungkol sa mga problema ko kaya alam kong kilalang-kilala niya 'ko, at gano'n din naman ako sa kanya.

Nang maubos namin ang pagkain ay nag-order pa siya ng dessert kaya wala akong nagawa kung hindi ang makisabay sa pagkain niya. Ayaw na ayaw niya pa namang kumakain ng mag-isa. 

"Uwi na tayo?" tanong niya nang makalabas kami.

Tumango ako. Wala naman na kaming ibang gagawin at mabigat na rin ang mga pinamili niya.

"Kailan ang fiesta rito?" 

Napabaling din ako sa mga bandaritas na nakapalibot sa lugar. Naalala ko tuloy no'ng gabi ng pasko. Iyong dinala ako ni Gab sa lugar na puro ganito rin. Hindi ko namalayang napangiti na pala ako. Nagkaroon tuloy ng dahilan si Martina upang asarin ako.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon