Chapter 14

37 1 0
                                    


We all
make mistakes,
and that is
how we live
our lives.


When the weekend comes, hinila 'ko ni Ate Judit sa kanila. Tradisyon niya na raw ang mamigay ng leche flan tuwing unang linggo ng January kaya ito ako ngayon at tumutulong sa kanya.

Ang sabi niya'y ihalo ko lang daw ang lahat ng ingredients kaya iyon ang ginawa ko. After mixing everything, siya na raw ang bahala sa susunod na step kaya nang matapos ako'y nakatanaw na lang ako sa kanya.

I haven't experienced this yet. Iyong gumawa ng dessert kasama iyong nanay mo. It was one of the things that I wanted to do, pero nang mawala si Nanay, hindi na 'ko umasa. Kaya ngayon, I can't stop myself from smiling. Ate Judit may not be my mother, but she makes me feel like it. She treats me like her own daughter or at least her younger sister.

Aside from watching her, minabuti ko ring punasan na iyong countertop sa kitchen niya para konti na lang ang lilinisin mamaya. She exaggeratedly exhaled after putting the Leche flans in the fridge.

"Pagod talaga sa unang linggo ng Enero," aniya nang makalapit sa 'kin.

Kinuha niya iyong mga tasang ginamit niya at nilagay iyon sa sink. I told her that I'd wash the dishes, pero bisita niya raw ako. Ayaw niya raw masira iyong malambot kong kamay kahit na may gloves naman.

"Kailangan mo po ba ng tulong?"

Nakatanaw ako sa likod niya nang lumingon siya sa 'kin upang samaan ako ng tingin. I immediately backed out because of her burning gaze. Sabi ko nga, hindi ko na ipipilit.

"Kaya ko 'to, Ma'am Cheska."

Sa dulo'y hinintay ko na lang siyang matapos. Tinulungan ko siya sa paglalagay ng pinggan sa kani-kanilang lagayan bago kami naupo sa living room niya. Mas malaki ang bahay niya kumpara sa apartment ko. Bigla tuloy akong napaisip kung mag-isa lang ba talaga si Angela o kung may kapatid siya. I also got curious about Ate Judit's husband. 

"Gusto mo ba ng inumin, Ma'am?"

Mabilis akong umiling. Kung mauhaw man ako ay kaya ko nang kumuha ng sarili kong inumin. Hindi na 'ko aasa kay Ate dahil alam kong pagod siya sa dami ng ginawa niyang leche flan.

"Kukuha na lang po ako mamaya kung mauhaw ako."

Tumango siya. "Tama iyan, Ma'am. Feel at home ka na rito sa bahay ko, walang kaso sa 'kin iyon." Ngumiti siya kaya napangiti na lang din ako.

Hindi iyon ang ibig kong sabihin sa sinabi ko. Ayaw ko lang na pagsilbihan niya pa 'ko kahit alam kong pagod na siya. Pero kung iyon ang pagkakaintindi niya, okay lang naman.

Umidlip siya sa tabi ko kaya natulala na lamang ako sa telebisyon. Commercial pa kaya hindi ko alam kung ano'ng palabas ngayon. Since I left Manila, ngayon na lang ulit ako nakanood ng TV. Mayroon naman akong TV sa apartment, pero wala akong oras para buksan iyon. I was in a deep thought when Ate Judit suddenly looked at me, halos mapatayo tuloy ako dahil sa biglaan niyang pagkuha ng atensyon ko.

"Maiba nga tayo, Ma'am," pauna niyang sambit. Kumunot ang noo niya kasabay nang pagtagal ng titig niya sa 'kin. Na-conscious tuloy ako, pero kinunotan ko lang din siya. "Marami akong nadirinig tungkol sa inyong dalawa ni Gabrielle."

Nang banggiting niya si Gab, kaagad akong nag-iwas ng tingin. I'm not sure whether to tell her my feelings or not. Madaldal si Ate at hindi pa 'ko handang ipagtapat kay Gab itong nadarama ko. Paano kung kaibigan lang ang tingin niya sa 'kin?

"Maliban sa mga nadirinig ko, marami na rin akong nasasaksihan." 

Nabuo ang isang ngisi sa labi ni Ate kaya umusog ako palayo sa kanya. Aside from being madaldal, magaling din siyang mang-inis. Sana pala'y umalis na 'ko kaagad nang matapos kami. Bakit ba kasi pinili kong mag-stay pa rito?

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon