Chapter 24

45 2 0
                                    


Should I be happy
because you cared,
or should I not
because I felt
betrayed again?


Ate Judit stayed at the hospital for the whole week. Pinayagan na siya ng doktor umuwi nang mag-stable na ulit ang vitals niya. Pinaalalahanan din na hindi siya p'wedeng mapagod para hindi na maulit iyong nangyari. 

"Bakit kasi ang kulit-kulit mo, Mama?"

Tumulong ako kay Angela sa pagliligpit ng mga gamit ni Ate. Ngayon na ang labas ni Ate sa ospital, katatapos lang asikasuhin ni Gab ang bill. Dahil day-off niya ulit, ihahatid niya kaming tatlo pauwi.

"Wala akong ibang gagawin kundi ang maglinis ng bahay," sagot ni Ate Judit sa anak.

Malimit lang akong nakangiti habang pinapakinggan silang dalawa. Si Angela'y pinapagalitan ang nanay niya dahil kilos daw ito nang kilos kahit na alam niyang hindi na gano'n kalakas ang katawan niya. Si Ate Judit naman, wala raw siyang ibang magawa kaya hindi niya mapigil ang sarili.

"Salamat po talaga, Ma'am Cheska." 

Bumaling silang dalawa sa 'kin kaya binilisan ko ang pag-zipper ng duffel bag at lumingon din sa kanila.

"Wala po iyon," nahihiyang ani ko at napakamot pa sa batok.

"Baka tambak na iyong trabaho mo, Ma'am," si Angela. "Isang buong linggo kang pabalik-balik dito sa ospital kahit na hindi n'yo naman po kami obligasyon."

Hilaw akong ngumiti. "Hindi naman na po kayo iba sa 'kin—"

"Hindi sa hindi ako nahihiya sa 'yo, Ma'am, pero maganda na siguro iyong pagbabantay mo sa 'kin para mawala man lang kahit isang linggo iyong utak mo sa trabaho."

"Mama!"

Mahina lamang akong natawa sa sinabi ni Ate Judit. Nagsimula na naman kasi sila ni Angela matapos no'n. Nahihiya sa 'kin si Angela kahit na paulit-ulit kong sinabing okay lang iyon. Sigurado rin naman akong maayos na si Ate Judit dahil nakakapang-asar na ulit siya.

I watched them as we waited for Gab to arrive. Malaki na iyong ngiti ni Ate Judit at mukhang magaling na magaling na talaga siya kaya hindi ko napigilang maalala iyong naging pag-uusap namin ni Daddy.

"Judit?" muling tawag ni Daddy, ang boses ay nagsisimulang haluan ng kaba. "Is there something wrong? For God's sake, answer me."

I tried to calm myself as seconds passed. Gusto kong isipin na panaginip lang 'to, na hindi ito totoo, pero sarili ko lang ang niloloko ko. Ayaw ko mang ma-confine si Ate Judit sa ospital, pero ilang araw na rin kasi. Kung panaginip 'to, bakit ang tagal naman?

Tinibayan ko ang sarili ko nang muli niyang tawagin ang pangalan ni Ate Judit. Ang dami-daming tanong ang nabuo sa isipan ko. Gusto kong itanong lahat ng iyon ngayon, pero hindi ko alam kung paano magsasalita.

"Can you at least speak—"

"Bakit? P-Paano?" 

Sinubukan ko, pero hindi ko talaga kaya. Nabagsak na lang ako sa kama kasabay nang pag-uunahan ng mga luha ko sa pagtulo. I just healed from the feeling of betrayal, but here we are again—I feel it again.

"Cheska..."

Tumango ako. Paulit-ulit akong tumango kasabay nang paglabas ng mga hikbi ko. I don't want to cry, but what can I do? I need to cry. Maybe after this, the pain will go away.

Nang sumunod na mga minuto, umiiyak lang ako habang siya'y nakikinig lang sa kabilang linya. He stayed silent as he heard me cry. Pilit kong pinakalma ang sarili kahit na mahirap. The last time I talked to him was on my birthday—when I ended the call without waiting for him to finish what he had to say.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon