Epilogue

91 4 70
                                    


I'll love you until
my last breath


"Babalik ka talaga ro'n?"

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pag-aayos ng mga damit na dadalhin ko. Magmula nang mawala si Mama, lalong nanaig ang kagustuhan kong tumulong sa Santa Cruz. Nangako ako sa harapan nang walang-buhay na katawan ni Mama kaya wala nang makapipigil sa 'kin.

"Kaya mo ba?" dugtong niya nang walang makuhang sagot sa 'kin.

"I'm already a doctor." Tinayo ko ang maleta. "I promised that I'd go back—that I'd help Santa Cruz, Giselle, so do not try to stop me because you'd never win."

"I wasn't trying to stop you," she spoke. "I'm just worried about you." She sighed as she sat on my bed.

She looked like our mother, so I couldn't do anything but shake my head. Nang umupo ako sa tabi niya'y kaagad niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko. She's our eldest, but she's the smallest.

"I'm 29, turning 30, so you don't need to worry about me."

She sighed once more. "But for me, you're still the crying fifteen-year-old Tonio."

I only chuckled when she called me by my nickname. Ang baho, pero bahala na kung mapagagaan no'n kahit papaano ang loob niya.

At the end, tinulungan na rin ako ni Giselle sa pag-aayos ng condo unit ko. Siya na raw ang bahalang mag-asikaso rito habang wala ako. She kept asking when I'd be back, but I couldn't answer an exact date because I wasn't sure if I'd ever get the chance to go back anytime soon. My job requires such an ample amount of my time, so let's just see.

Nakiusap si Giselle na ipahatid ako kaya wala akong nagawa. Nakalimutan ko na rin ang byahe pabalik ng Santa Cruz kaya pumayag na rin ako. Ayaw kong masayang ang oras ko kung maligaw man ako sa daan.

"Salamat, Manong," saad ko nang pumarada ang sasakyan sa harapan mismo ng bahay namin. Madilim na kaya hindi ko na masyadong maaninag ang hitsura ng bahay. Hindi ko rin masabi kung may nagbago ba o wala.

Tinulungan ako ni Manong magpasok ng bagahe sa loob. Nang buksan ko ang lahat ng ilaw ay roon pa lamang ako napangiti. Wala pa ring pinagbago ang loob ng bahay. Lahat ng gamit na iniwan namin ay naroon pa rin. Nakagagalak dahil parang katulad pa rin ito ng dati. Napanatili rin ang kalinisan sa buong lugar kaya hindi na namin kinailangang maglinis.

Hinatid ko si Manong sa tutuluyan niyang kwarto bago ako pumasok sa kwarto ko sa second-floor. Natawa na lang ako nang makita ang hitsura ng kwarto ko. Punong-puno kasi iyon ng poster at sticker ng SpongeBob—sina SpongeBob, Patrick, Squidwards, at Mr. Crabs. Iyong bedsheet pa'y isang malaking picture ni SpongeBob. Hindi ko tuloy alam kung mananatili ako rito o kung makikitulog na lang sa kwarto ni Gavin.

Pero hinihila na 'ko ng antok kaya nahiga na lang ako sa kama. Nandito na rin iyong mga damit ko at hindi ko na kakayaning maglipat pa sa ibang kwarto. Aayusin ko na lang 'to sa mga susunod na araw.

Kinaumagahan ay nadatnan ko si Manong na nag-aagahan. Nagsalo muna kami bago siya nagpaalam na luluwas na pabalik ng Manila. Hinatid ko siya sa labas bago ako kumilos para pumunta ng ospital. Hindi pa ngayon ang unang araw ko, pero gusto ko nang tingnan kung ano'ng lagay roon.

Black pants, puting polo, at puting Nike ang suot ko bago lumabas. Hindi na 'ko nag-ayos dahil tirik na tirik ang araw. I locked the door before wearing my black cap. Nilaro ko iyong susi ng kotse bago ako lumakad papunta roon.

Napangisi ako nang mamataan ang babaeng nakasilip sa labas ng gate. Malinaw pa ang paningin ko at hindi naman nagbago ang mukha niya kahit na ilang taon na ang lumipas. Maganda pa rin si Ate Judit, kahit na sa pagkakatanda ko'y madaldal siya at mahilig sa chismis.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon