Chapter 6

58 1 0
                                    


Do you really want me,
or do you only like the feeling
of me wanting you?


Lalong lumamig at lumiwanag ang gabi sa Santa Cruz nang sumapit ang Disyembre. Everyone was excited. Nangunguna na roon ang mga bata kaya nang dumating ang huling linggo ng klase para sa taong ito, hindi na sila nagsayang ng oras para magsaya.

Pinapanood ko lang sila habang nagkakasiyahan sila ngayong Chrismast Party sa school. Ang officers ang nag-organisa ng flow ng party kaya lahat ay nakikiisa. They played a lot of games. Everyone joined. Walang naiwang nakaupo dahil lahat ay hinihila nila sa gitna. I'm smiling throughout the day because this is what I want for them—to be united.

Magaling na rin si Roldan at bumalik na ang dati niyang sigla. Hindi nga lang noon na walang preno. Alam niya na ngayon kung kailan titigil at kung kailan magloloko. His playful side came back, but it was better than before.

Sumali ako nang magbibigay na ng pagkain. Medyo nagkakagulo kasi sila kaya minabuti kong lumapit upang kahit papaano'y umayos sila. Marami na silang nalaro kaya alam kong gutom na sila kaya binilisan ko na lang ang pagbibigay ng parte nila.

Ms. Bea bought foods for the kids. Kasabwat niya si Aling Ana kaya roon galing ang mga pagkain. Masarap naman ang mga pagkain doon kaya alam kong ma-e-enjoy ng mga bata. And unlike kids in Manila, mas praktikal ang mga tao rito sa Santa Cruz.

Natapos ang programa nang magbigayan na ng regalo. I didn't really expect na may magreregalo sa 'kin kaya natuwa ako nang abutan ako ni Roldan at ng president ng klase. Hindi ko muna iyon binuksan, pero labis na ang saya ng puso ko. I'm not really expecting naman. It's  the thought that counts. 

"Don't forget to clean," I reminded nang magkalat sa kwarto ang gift wrappers.

It was exactly five in the afternoon when the party ended. Naiwan ako sa classroom. Naligpit naman na ang mga kalat at nabalik na sa ayos ang mga upuan kaya pinaalis ko na sila. It's eight days before Christmas. Ever since, I wasn't looking forward to Christmas. It only means another year has come to an end, and a new year shall come. Iyon lang ang nasa isip ko tuwing sasapit ang araw na 'to. At hanggang ngayon, gano'n pa rin.

Nakatataba ng pusong makita ang maliligayang ngiti ng mga bata, pero hindi ko nararamdaman ang kasiyahang iyon tulad kung gaano sila kasaya. It was maybe because I wasn't grew up like them. Wala akong kaibigan. Wala akong kasama noong bata ako kaya ngayong malaki na 'ko, pinipilit kong walang maiiwan sa mga estudyante ko. Because I know the feeling of being alone, and I don't want them to feel the same way.

"Ma'am Cheska!"

Akala ko'y nauna nang umuwi sa 'kin si Ariana, pero naabutan ko pa siya sa faculty room. Kukunin ko ang mga folder doon para makapagtrabaho pa rin ako sa bahay.

"Ms. Montecillo," I greeted back with a smile.

"Free ka tonight, Ma'am?" Lumapit siya sa 'kin kaya nilingon ko siya. "Let's party at your place!" 

Tumitig lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano'ng ibig niyang sabihin. I'm not a party goer kaya I don't know what kind of party she wants in my place.

"Ano ba iyang titig mo, Ma'am?" Winagayway niya ang kamay sa mukha ko kaya nabaling sa iba ang tingin ko.

"Party in my place?" I voiced out my thought.

"Yes!" Pinanggigilan niya ang kanang braso ko kaya napangiwi ako. "Inaaya kasi ako ni Mamang mag-Japan sa Christmas at New Year kaya hindi tayo makakapag-celebrate together," paliwanag niya. "Kaya early celebration ang gagawin natin ngayon gabi." Pinatunog niya ang turotot na hawak niya kaya napalayo ako sa kanya.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon