Chapter 3

95 2 0
                                    


Don't get fooled
by their sweet smiles.
Everyone has their
own hidden agenda.


I tried my best to look unbothered kahit dama ko pa rin ang paso sa daliri ko. I still put on a smile even though I'm not really happy to see him. But since I was already used to fabricating my feelings, I managed to do it again.

"Ma'am Cheska?"

Kung malaki lang ang bintana, sigurado akong nakapasok na siya rito sa loob mula roon. Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata niya na labis kong ikinagulat. Napahakbang ako paatras kaya natigil siya sa pagsisiksik ng mukha sa bintana. I won't deny that he has the face, but he looks weird pushing his face towards my window. Ang creepy, even though I know he wouldn't do something wrong.

"I'm fine." 

I couldn't look at him anymore, kaya nang umangat ang kettle ay mabilis kong binaling doon ang paningin. Damang-dama ko pa rin ang titig niya sa akin habang maingat kong sinasalin ang mainit na tubig sa baso. I was contemplating whether to ask him coffee or just dismiss him. Pero sa dulo'y nakagat ko na lamang ang labi ko bago dumungaw sa kanya.

"Coffee, Doc?" Kung hindi nakatitig sa 'kin ang itim niyang mga mata, siguro'y naglulumpasay na 'ko dahil sa hiya.

He scratched his temple before saying, "I just had my coffee, Ma'am."

My lips parted. Bakit hindi ko naisip na nagkape na siya? But I shouldn't feel embarrassed! It was nice of me to ask him! 

"Pero p'wede naman akong uminom ulit."

Nang ibalik ko ang tingin sa kanya, mayroon nang ngiti sa labi niya. Hindi ko alam kung bakit parang huminto ang paligid ko nang tumagal ang titig ko sa mukha niya. He's genuinely smiling and it reached his eyes, making it hard to look away from him. I was drowning in him when he suddenly bit his lips. Muntikan nang manlaki ang mga mata ko dahil sa kahihiyang ginawa ko, mabuti na lang at napigilan ko pa ang sarili ko.

"I'll make your coffee, then."

I focused on the coffee. It was hard not to look at Gab when I could feel his burning gaze on me, but I was glad that I did. Nang matapos sa pagtitimpla, doon lang ako muling natauhan. It's either I'll only give him the coffee, or I'll open my door for him. Hindi magandang tingnan kung hahayaan ko siyang tumuloy sa bahay ko. He's Roldan's father, for Pete's sake!

"Do you want to—" I stopped when I found no one in the window.

Kumunot ang noo ko dahil base sa mga narinig ko, hindi siya iyong tipo ng tao na aalis nang walang paalam. Lumapit ako sa bintana at tinanaw ang bakuran doon. I was glad that I didn't bring the cup of coffees with me because for some reasons, he managed to shock me again.

"Gracious God!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil bumilis ang tibok no'n. Sinamaan ko siya ng tingin, pero nakita ko ang mapaglarong ngiti niya. Dahil sa inis, sasarado ko na sana ang bintana ngunit naharang niya ang kamay roon.

Wala akong laban sa lakas niya kaya hindi ko na pinilit pa. As much as possible, I want to be professional, knowing that he's Roldan's guardian. Pero hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko sa pagkakataong 'to. I know I'm used to faking it all, and keeping everything to myself, pero may hangganan din ako.

Huminga 'ko nang malalim. Nahuli ng mga mata ko ang dalawang baso ng kape kaya lumapit ako roon. I didn't say a word. Inilapit ko lang sa kanya ang kapeng tinimpla ko. 

"Galit ka ba, Ma'am?"

Huminahon ang paghinga ko nang madinig ko ang seryoso niyang boses, ibang-iba sa mapaglaro at propesyonal na pamilyar sa akin. His voice sounded serious with a hint of concern.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon