Chapter 11

50 2 0
                                    


The end is the
new beginning.


Mabilis dumaan ang Sabado't Linggo. Sa isang iglap ay umaga na ulit ng Lunes—simula na ulit ng eskwela. I'm almost done with the novel I'm writing kaya hindi muna 'ko nagsulat ngayon. Ayaw ko pa kasi 'tong matapos dahil sigurado akong mami-miss ko ang mga character na nakilala ko roon.

Nakapaninibago dahil walang Ate Judit na sumalubong sa 'kin sa paglabas ko ng apartment. Pero okay lang naman iyon dahil alam kong sinusulit pa niya ang oras kasama si Angela. At mamayang gabi na rin ang uwi niya rito sa Santa Cruz.

Katulad nang palagi kong ginagawa, bumili muna 'ko ng kape sa malapit na coffee shop bago dumiretso sa paaralan. Malaking ngiti ang bati sa 'kin ni Kuya Alfredo nang iabot ko sa kanya ang mainit-init pang kape.

"Naku, Ma'am!" Kumamot siya sa batok. "Hindi n'yo po kailangang bigyan ako araw-araw ng kape, pero maraming salamat!"

Ayaw kong makipagtalo kaya tumango na lang ako bago pumasok. Wala pang tao sa quadrangle kaya minabuti kong magtungo sa faculty room. Handa na 'ko sa pagsalubong sa 'kin ni Ms. Montecillo, ngunit laking gulat ko nang hindi siya madatnan doon.

Kumunot ang noo ko nang makitang walang tao sa faculty, ngunit kalaunan ay ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Maaga pa naman at mayroong klase ang pang-umagang mga guro.

Inayos ko ang lesson plan para sa linggong ito upang pampalipas oras. Unti-unti ring nagdatingan ang mga co-teacher ko, ngunit hindi ko naabutan si Ariana hanggang sa tumunog ang bell, hudyat na simula na ng klase.

Siguro'y hindi pa sila nakakauwi, o 'di kaya'y nagpapahinga pa siya dahil sigurado akong sinulit niya ang pananatili sa ibang bansa. Gano'n naman siguro ang karamihan kung turista ka sa isang lugar. Gugustuhin mong puntahan ang lahat nang pup'wede mong puntahan upang hindi masayang ang oras at perang inilaan mo makarating lang sa lugar na iyon.

Kusa akong napangiti nang madinig ang ingay mula sa classroom. Huminga 'ko nang malalim bago tuluyang lumakad patungo sa assigned room ko. My students immediately transformed when they saw me in front. 

Ilang segundo pa lang ay nakabalik na sila sa kanya-kanya nilang upuan at nakatingin na sa 'kin. I nodded my head to the class president, at kaagad niyang nakuha iyon. She went in front and lead the prayer.

Alam kong nasa bakasyon pa ang mga utak nila kaya pinagawan ko lang sila ng essay tungkol sa kani-kanilang holiday break. Dadahan-dahanin ko na lang ang pagpasok ng panibagong lesson sa kanila dahil baka hindi sila makasunod.

"Once you finished, you can already pass your paper, and you can go home early," I said to my last class.

Limang klase ako sa isang araw kaya makapal na ang envelope na hawak kong naglalaman ng mga papel nila. Tingin ko'y gusto nilang umuwi nang maaga kaya thirty minutes pa lang ay ubos na ang tao sa loob ng silid. Hindi naman makalat kaya hinayaan ko na lang.

I went to the faculty para ilagay roon ang mga papel na pinasa ng mga estudyante ko. Mag-uuwi lang ako ng ilang piraso ngayon. Hindi ko kayang tapusin i-check itong lahat kaya uunti-untiin ko na lang. Perfect score naman na ang ibibigay ko sa lahat dahil hindi naman objective ang essay na 'to. They celebrate their holidays differently, and them sharing it with me is already enough.

Until I decided to go home, hindi ko nakita si Ariana. I forgot to ask Mr. Solicit about her whereabouts, but I guess she'd be present tomorrow. Hindi siya pala-absent kaya sigurado akong hindi niya na hahayaang wala na namang suweldo ng isang araw.

Naalala ko si Ate Judit kaya nang madaanan ko ang eatery ay pumasok ako roon. I want to eat with Ate Judit, pero alam kong pagod siya kaya kumain muna 'ko sa eatery at nag-order na lang ng takeout para sa dinner niya.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon