Chapter 21

38 2 4
                                    

What meant
to happen
will surely
happen

Umawang ang labi ko kasabay nang pagbilis nang tibok ng dibdib ko. I didn't imagine that he'd say this to me—matapos ang nangyari no'ng gabi ng fiesta. Tumagal ang pagkakatulala ko sa kan'ya. Natauhan lang ako nang bigla siyang ngumiti. Mabilis kong nababa kay Mando ang tingin.

My heart still beating fast as I caressed Mando. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya. Sa totoo lang, I also miss him, but I won't say it out loud. Ayaw kong maguguluhan siya. I rejected him. I should act to it.

"Wala kang duty?"

Sumulyap ako sa kan'ya bago ibalik kay Mando ang atensyon.

"Half day ako ngayon," sagot niya. "Bukas ay day-off ko."

Tumango ako. Ano pa ba'ng p'wede kong itanong? I don't want to ask him about his whereabouts tomorrow because that may turn awkward.

"How about you?" he asked. "Ano'ng gagawin mo bukas?"

Tahimik lang si Mando'ng nakahiga sa bisig ko kaya hindi ako nahirapan sa kan'ya. Nagawa ko pa nga'ng ibalik muli kay Gab ang tingin at hindi ito nagharot.

"I think Martina will visit me tomorrow."

It's his turn to nod. "Okay..."

Lumipas ang ilang segundo na nakatayo lang kami sa gitna ng street. Ilang hakbang pa ang layo mula sa apartment ko. Gustuhin ko ma'ng pumasok na roon ay hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kan'ya.

Everything between us turned one hundred eighty degrees because of that night. I know that we're not young para patagalin pa ang pag-amin sa isa't isa, pero gaya nang palagi kong sinasabi, hindi pa 'ko handa.

I'm ready to face my past—the pain, but not yet in this part. Siguro magiging handa lang ako sa panibagong yugto kapag tapos na 'ko sa nakaraan—when I finish my unfinished businesses before.

Sana nandito pa siya pagdating ng araw na iyon—kapag handa na 'ko para sa kan'ya—para sa aming dalawa.

"Gab," tawag ko nang walang pag-aalinlangan.

"Cheska."

Napangiti ako nang muling marinig mula sa kan'ya ang pangalan ko. Gracious God, I really miss this guy! Pero pinigilan ko ang sarili sa kung anoman ang pup'wede kong gawin at nag-focus sa kung ano'ng dapat.

"That night," I started. Humugot ako nang malalim na hininga bago nagpatuloy, "I did reject you..." Tumitig ako sa mga mata niya upang tingnan ang reaksyo niya. "Not because I don't feel the same, but because I'm not yet ready."

"Yes, I know." He smiled.

I mirrored the genuine smile he showed. I'm glad he's Gab—the understanding, kind—the ideal Doc Gabrielle Marasigan.

"I'm not yet ready to cross the line, so, can we please stay friends? Let's go back to how we treated each other before that night."

I know it's selfish, but what can I do? I can't offer anything right now except this.

Dahan-dahan siyang tumango at iyong ngiti niya, hindi nawala sa labi niya. "This is what I want to ask you, too," aniya. "I'm sorry kung binigla kita no'ng gabing iyon. I took the risk, but we can forget it if that will make you comfortable."

"Thank you."

"Anything for you."

Matapos no'n ay kinuha niya na sa 'kin si Mando dahil nakatulog na iyon. Hinatid niya 'ko hanggang sa tapat ng apartment ko.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon