Chapter 23

42 2 13
                                    


Betrayal hurt 
the most
when
 it came
from
 the people
you
 truly trust


"Are you sure you brought everything you need?"

Nakatayo lang ako sa gilid ni Martina habang chini-check ni Tita Bea iyong mga maleta niya. I held onto her hand dahil alam kong ito na ang huling beses na mahahawakan at makakatabi ko siya for this year.

"I packed everything I'd need, Mama," si Martina at saka tumabi kay Tita. Hawak ko siya kaya napasunod ako.

Matapos mag-triple check ni Tita ay pumasok na kami sa sasakyan nila. Tita was in front katabi ng driver, while Martina and I were sitting at the back. Sa buong byahe ay nakapulupot lang ang kamay ko sa kanya habang siya naman ay nasa cellphone ang atensyon. I sneak earlier, pero hindi ko ma-appreciate dahil hindi ko maintindihan kung ano'ng binabasa niya.

"Don't forget to call when you arrive," paalala ni Tita nang makarating kami sa airport. 

I only watched them as they bid goodbye. May aasikasuhin pa sa school si Tita kaya niyakap niya lang nang mahigpit si Martina bago siya naunang umalis. Babalikan na lang daw ako ng driver, pero kaya ko rin namang mag-commute.

"Huwag mo 'kong masyadong ma-miss."

Napangiti at napailing ako. Even if I don't want to, I'll miss her, pero ayaw kong sabihin iyon dahil baka lumaki ang ulo niya.

"Take care of yourself there," ani ko. "Wala si Tita ro'n at wala rin ako kaya huwag mong kalilimutang kumain. Huwag puro diet."

She rolled her eyes, but I could see the ghost of her smile. "May boyfriend ako ro'n at gaya ni Doc, hindi rin ako papabayaan no'n!"

Napailing na lamang ako at tinulungan siya sa pagdala ng tatlong malalaking maleta niya. She said na susunduin daw siya ng boyfriend niya sa airport do'n kaya hindi na 'ko nag-alala pa kung paano niya bubuhatin ang mga 'to.

"Pa'no ba 'yan, hanggang dito na lang muna tayo," ani Martina nang tawagin na iyong flight niya. "Sagutin mo iyong tawag ko kapag tumawag ako!" Napatango na lang ako nang lumakas ang boses niya. "Palagi mo 'kong babalitaan sa mga ganap mo rito. Tapos kung maging curious ka, babalitaan din kita sa mga ganap ko ro'n."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya napabuntonghininga na lang ako. Magkikita pa naman kami, e, hindi pa nga lang alam kung kailan ulit.

"Oo na, Martina," I said. "Hindi kita kalilimutan, okay?" I smiled as I said, "If I'm not busy, I'll try to call you, pero if busy ka, you can always decline. Hindi ako magtatanim ng sama ng loob."

"I'll also visit Ian's family whenever I get time for it. Also, I'll take care of Tita habang wala ka. Huwag kang mag-alala."

I don't know what else to say para mapanatag siya kaya napaawang na lang ang labi ko nang bigla niya 'kong yakapin.

"Hindi naman kita ino-obliga, pero thank you." She chuckled as she tightened the hug.

Hindi nagtagal ay kinailangan niya na talagang umalis. Nanatili akong nakatayo kung saan niya 'ko iniwan hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. The smile on my face didn't disappear until I couldn't see her anymore. She may be away, but she's always here in my heart.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon