Chapter 28

43 2 1
                                    


Closure is either
the first step
of moving on
or the final step
of healing


Nang ihinto ni Gab ang sasakyan ay kaagad akong bumaba. Hindi ko tinanggal ang nanlalaki kong mga mata kay Daddy hanggang sa makarating ako sa harapan niya. I could see his teary eyes behind his eyeglasses. Bahagyang umawang ang labi ko nang makita ang kabuuan ng mukha niya. He still looked the same as the last time I saw him.

I bit my lower lip nang mahawa ang mga mata ko sa kanya.

"Won't you give me a hug?"

Wala pang isang segundo ay mabilis ko siyang sinunggaban ng yakap. Humigpit ang hawak ko kay Daddy nang muling tumulo ang luha sa mga mata ko. Kasabay nang pag-iyak ko sa mga bisig niya ay ang paghaplos niya sa buhok ko.

"You're alright now... I'm already here," he kept saying as I cried in his arms.

Muntik ko nang makalimutang kasama ko si Gab kaya kahit na naluluha pa 'ko ay kumalas na 'ko sa yakap namin ni Daddy. Tinulungan niya 'kong punasan ang basa kong pisngi.

"Why are you here?" I asked, ashamed to look at him after what I did.

"Because I thought you needed me..." 

Nang palihim ko siyang tingnan ay nakita kong nasa likod ang tingin niya kaya napabaling din ako kay Gab. Tumango si Gab kay Daddy bago niya 'ko ngitian. I didn't waste any minute, nilapitan ko si Gab at hinila siya papunta kay Daddy.

"This is Gab," I told my Dad. "And this is my father." I eyed Gab.

"I already knew him," sagot ni Daddy kaya tumango na lang ako.

"Right..." 

"He talked to me while on duty," Gab explained.

Tumango lang ako dahil alam ko namang sinabi na rin siguro ni Ate Judit kay Daddy iyong tungkol sa 'min ni Gab. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na si Gab at iniwan kami ni Daddy. He was staying at a hotel sa bayan kaya kinailangan niya rin akong iwan.

A week later, I decided to go back to Manila with my father. Bago kami umalis ay nagpasalamat muna kami kina Ate Judit. Angela decided to continue her study in Santa Cruz para hindi na niya kailangang iwan ang mother niya. Nakayanan ko ring bumalik sa Mary Jane upang kuhanin ang mga naiwan kong gamit.

Hindi ko naabutan si Ms. Montecillo. Iyong ibang katrabaho namin ay masama pa rin ang tingin sa 'kin at nagbubulungan pa rin. Mabuti na lang at nilapitan ako ni Mr. Solicit. Pormal kaming nagpaalam sa isa't isa. Gusto ko nga ring magpaalam sa mga estudyante ko, pero hindi p'wede. 

"Did you bring everything you need?" Daddy asked as he put the last suitcase in his SUV.

I nodded. "Nandiyan na po lahat."

Tumango rin si Daddy sa 'kin. "That's good. I'll wait for you inside," aniya at naunang pumasok sa loob.

For the last time, I looked back at my now empty apartment. May checkup si Ate Judit kaya nasa ospital sila ngayon. Si Gab naman ay may duty kaya kahit gusto niya 'kong ihatid, hindi p'wede. Hindi rin ako pumayag na mag-absent siya dahil maraming umaasa sa kanya.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon