Chapter 15

85 2 0
                                    


Having a best friend
whom you can
trust is
 the best
kind of feeling


Sa buong oras namin doon kasama ang mga tauhan nina Faith, hindi natigil si Gab sa pang-aasar sa 'kin sa bawat pagkakataong makukuha niya. Gusto ko na lang magtago mula sa lahat, ngunit hindi ako makaalis dahil walang masasakyan at kung maglalakad naman, hindi ko alam ang daan.

"What?" 

Lalong sumama ang tingin ko sa kanya nang muli kong makita ang ngisi niya. He's handsome, but I can't deal with his teasing anymore! Nagkamali ako at tanggap ko iyon, pero kung ito ang gusto niya, bahala na.

"I won't talk to another woman if I already have a son."

Napahinga na lang ako nang malalim bago pumasok sa sasakyan niya. Nagpaalam na kami kay Faith dahil malapit nang dumilim. Kailangan pa yata ni Gab bumalik sa ospital kaya hindi niya muna sinundo si Mando.

"We're good, right?"

Kaagad siyang humarap sa 'kin nang makapasok. Unlike his playful smirk earlier, he looks guilty and worried right now. Hindi ko tuloy napigilan at napangiti na lang ako. He stopped teasing me, huh?

"Yes, we're good."

Kinabit ko ang seatbelt ko kasabay nang paglawak ng ngiti ko. I thought he was getting ready, too, but when I gazed back at him, nasa akin pa rin ang tingin niya at gano'n pa rin ang itsura niya. Mukha siyang naiiyak at guilty'ng-guilty. 

"What's with your face?" 

Tinuro ko ang mukha niya.

"Are you sure we're good?" 

He pouted like a kid, so I couldn't stop but chuckled.

"We're good," I assured. "Bakit? Gusto mo ba'ng mag-away tayo?" 

Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya kaagad siyang umiling.

"No, why would I want that?"

Without wasting any second, he immediately buckled his seatbelt. Nakatingin pa rin ako sa kanya nang hawakan niya ang manibela. He looks hotter while driving, but I know he's the hottest while doing his job.

"I'm sorry for teasing you." 

Nilingon niya 'ko. I thought he was going to drive away, pero pinako niya ang mga mata sa 'kin. Natikom ko tuloy ang bibig ko at napasulyap sa labas. Mabuti na lang at hindi kami kita mula roon sa kubo kung nasaan ang mga tao, hindi pa naman tinted itong sasakyan niya.

"It's okay," sagot ko. "It was my mistake."

"Still, I shouldn't have made fun of you."

His gaze softened, and my heart fluttered. I'm cool with his jokes. Nainis ako kanina kasi ayaw niyang tumigil, pero kung masaya siya sa ginagawa niya, okay lang sa 'kin. And now that he's apologizing, it makes him more attractive to me.

"I told you, it was fine."

Iniwas ko sa kanya ang tingin upang makahinga nang maayos dahil hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko. Bakit lalo niya 'kong pinahihirapan? Sabi ko ay hindi pa 'ko handa para aminin ang nadarama ko para sa kanya, pero bakit lalo niya 'kong hinihila palapit sa kanya?

"But I want to tell you that I'm not like other guys," he said. "If I like someone, I won't go and flirt with another woman." Tinitigan niya 'ko. "And I won't let the mother of my child carry the burden alone. Asawa ko lang ang p'wedeng maging nanay ng mga anak ko."

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon