Chapter 2

90 2 0
                                    


Do you
believe in fate?
Well, I do not.


"Ma'am Cheska." Kaagad kong nilingon si Ms. Montecillo nang tawagin niya 'ko. "Guardian daw ni Roldan," aniya bago naupo sa table niya.

I saved the file first before closing my laptop. Gumagawa ako ng exam at nawala na sa isip kong darating pala ang mother ni Roldan. Pinatong ko sa ibabaw ng laptop ang reading glass ko bago tumayo upang harapin ang guardian sa labas.

Sinilip ko ang pasilyo bago marahang isara ang pinto ng faculty. I thougth mother ni Roldan ang darating, but I was wrong. Isa lang ang taong nakita ko kaya alam kong siya ang guardian. He's a tall man who's looking at the ground floor. Nasa third floor ang faculty kaya kita mula rito ang mga nangyayari sa ibaba.

Alam kong may iba pa kaming kailangang gawin maliban dito kaya minabuti kong lumapit na kaagad sa kanya. Tumabi ako sa kinatatayuan niya at tinanaw rin ang mga bata sa ibaba. May ilang minuto pa bago ang flag ceremony kaya naghahabulan pa ang iba.

"Ma'am Cheska."

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses kaya kaagad ko siyang nilingon. At tama ang hinala ko, siya at ang taong naisip ko ay iisa. I thought Roldan doesn't have a father? I don't know how to address him, kaya nanatili akong tikom.

"I'm Roldan's guardian," pakilala niya.

Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko kaya mabilis na lamang akong tumango. Tumagal ang titig niya sa 'kin kaya natauhan ako at napahinga nang malalim.

"I asked to meet Roldan's guardian because of what happened yesterday," I tried to sound professional.

"Yes, I heard what happened." Tumango siya nang hindi inaalis ang tingin sa akin kaya nagsimula akong mailang.

"Ms. Bea already talked to Mariah's mother" pagbibigay alam ko. "Hindi na raw sila magrereklamo dahil ayaw nilang lumaki iyong gulo, pero gusto ko pa ring matuto si Roldan sa ginawa niya."

Naalala ko kung paano umiyak sa mga bisig ko si Mariah at muli no'ng tinutusok ang puso ko. Hindi ko nagawang protektahan at ipagtanggol ang sarili ko noong ako ang nasa gano'ng sitwasyon kaya ngayon na may magagawa ako, gusto kong tumulong.

"I don't know if you get what I'm trying to say, but I want him to be accountable for what he has done." Sinalubong ko ang kanyang mga mata, at doon ko napansin na napakaitim nito. Sa sobrang itim, nakakaakit tingnan. Ngunit bago pa 'ko mahipnotismo, binawi ko na ang tingin mula sa kanya. "Mariah's a quiet kid. I've never understood her, but when she cried in my arms yesterday, I felt the need to protect her."

"Sisiguraduhin kong matututo si Roldan sa nangyari, Ma'am Cheska."

Isang maliit na ngiti ang nabuo sa labi ko. Mabuti't naintindihan niya kung saan ako nanggagaling. Akala ko'y aawayin niya pa 'ko at hindi iintindihin ang nais kong mangyari.

"Thank you..." Tiningala ko siya at nahihiyang ngumiti dahil hindi ko alam kung ano ang itatawag sa kanya.

Napangiti rin siya at sumalubong sa mga mata ko ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin. Sinuklay niya ang kanang kamay niya sa malinis niyang itim na buhok bago kuhanin ang kung ano sa bulsa niya. I just stood here as I waited for what he'd say or do next. Hindi naman ako makaalis dahil ayaw kong bastusin siya.

"Here's my card." Inilahad niya sa 'kin ang isang puting card. Hindi na 'ko nagdalawang-isip at kinuha iyon. "P'wede mo 'kong personal na kausapin kung may ginawa na namang kalokohan si Roldan."

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon