Chapter 20

49 2 1
                                    


Only you
can free yourself
from the pain


Gaya nang gusto ni Martina, roon ako sa kanila nanatili. Hindi ako bumalik sa apartment ko—pinahiram lang niya 'ko ng damit. Sa pagpasok ko naman, hatid-sundo niya 'ko sa araw-araw.

Nasabi niya na kay Tita Bea iyong tungkol sa bulaklak kaya maski si Tita ay nag-alala sa 'kin. Matapos kong umiyak no'n, medyo napanatag na 'ko dahil nandito ako kina Martina—nandito siya sa tabi ko kaya alam kong walang mangyayaring hindi maganda.

Mabilis kong nakalimutan iyong nangyari nang lumipas ang ilang araw. Nalungkot lang ako dahil hindi nagparamdam sa 'kin si Gab. Mapait lang akong natatawa sa tuwing sasagi siya sa isip ko. I rejected him. I should've seen this coming, pero iba pa rin pala talaga kapag nandito na—nangyayari na.

"Sabi ko naman sa 'yo, kaya ko nang pumasok mag-isa," ani ko kay Martina nang tumigil ang sasakyan sa harapan ng coffee shop.

Umiling lang siya bago bumaba kaya sumunod ako. I immediately entered the coffee shop to order coffees for the guard and my co-teachers.

"Pa-add ng isang caramel macchiato," habol ni Martina.

Naupo kami sa gilid matapos kong magbayad. I was waiting for Martina to say something when I saw a familiar face entered the shop. Nurse Kate is wearing her uniform as she walked her way to the counter. Hindi siya tumitingin sa paligid kaya alam kong hindi niya 'ko nakita.

Busy si Martina sa cellphone niya nang balingan ko siya. Gustuhin ko mang puntahan si Nurse Kate dahil hindi naging maganda iyong huli naming pagkikita, pero para saan pa iyon, 'di ba?

Malamang alam niya nang hindi ako pumayag sa panliligaw ni Gab. Naging rason kaya iyon upang maging masaya siya? But that's too immature. Ano naman ngayon kung ni-reject iyong lalaking gusto mo ng babaeng gusto niya? Hindi naman ibig-sabihin no'n ay magkakagusto na siya sa 'yo.

Women should know their worth. Hindi iyong aasa at magpapakatanga sila sa isang lalaking alam naman nilang hindi sila magugustuhan.

"Ma'am Cheska!"

Kaagad akong nagising sa pagd-daydream nang madinig ang pangalan ko. Napansin ko ring napasulyap sa 'kin si Nurse Kate, pero hindi ko na sinalubong ang tingin niya.

Dumiretso kami palabas ni Martina nang makuha namin iyong mga kape. Malapit na lang naman iyong school kaya nilakad na lang namin iyon. Siniguro muna ni Martina'ng naka-lock iyong sasakyan niya bago namin iwan iyon.

"Where are you going?" I asked nang sumama siya sa 'kin papasok.

Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Nakalimutan mo ba'ng dito nagtatrabaho ang Mama ko? I'm going to visit her."

Umiling na lang ako dahil alam kong hindi iyon ang totoo. Gusto niya lang makitang maayos ako hanggang dito. Sinabihan ko na siyang I don't mix personal life with work. Ayaw kong ma-distract ko ang pag-aaral ng mga bata kung mag-iinarte ako at magiging selfish.

"Okay..." tanging sabi ko. "Then I'll go ahead na."

I didn't wait for her response. Mabilis akong lumiko patungo sa hagdan. Hindi ko na rin siya nilingon dahil alam kong mag-aalala lang lalo iyon.

Bakit ba kasi ako umiyak sa harap niya no'n? Isang taon kong binuild up iyong sarili ko tapos dahil sa isang note lang ay maiiyak ako? That's unfair! Pero alam kong nagulat lang din ako noon... Pero ngayon, I can handle anything.

The past will remain in the past. Habulin man ako ng mga masasakit na nangyari noon, alam ko at sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang mga iyon. I'm the better version of myself now. Ilang taon na ang nagdaan kaya alam kong kaya ko na 'to.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon