Chapter 1

144 4 0
                                    


You felt sorry,
but the damage
has been done


"Salamat po sa kape, Ma'am Cheska," malaking ngiting bati ni Kuya Alfredo sa 'kin nang iabot ko sa kanya ang kapeng binili ko sa malapit na tindahan.

"Wala po iyon. Ingat po kayo sa pagbabantay," sagot ko sa kanya bago nagpatuloy sa paglakad papasok ng paaralan.

Wala pang masyadong tao dahil oras pa ng klase ng mga pang-umaga, at masyado pang maaga para sa mga estudyante kong panghapon. Mataas na ang araw, pero malamig pa rin ang klima kaya minabuti kong dumiretso sa faculty. Wala nang humarang pa sa akin kaya kaagad din akong nakarating.

I gasped and immediately held my chest as soon as I opened the door of the faculty room. For a fleeting moment, I was annoyed, but when I saw the person who made my heart race, I just deeply inhaled.

"It's not funny, Ms. Montecillo." I rest my face and get inside the room. She followed me, but I acted like she wasn't there. 

Inilapag ko ang dala kong totebag sa ibabaw ng lamesang para sa 'kin bago naupo. When I moved to get my students' folder, nakita ko siyang nakadungaw sa akin habang nakakunot ang noo.

"What?" tanong ko habang nililipat ang mga papel na nasa box sa gilid niya patungo sa mesa ko. I need to check these papers. Malapit na ang end ng grading period at kailangan kong mahabol ang grades nila bago ang deadline.

"You didn't notice na nauna 'ko sa iyo ngayon?" aniya at tinulungan ako sa paglilipat.

I only shrugged my shoulders because that didn't really matter to me. Ano ngayon kung nauna siya? It's not a competition.

"Good for you."

I went to do what I was supposed to do right after that. Hindi na rin siya nagsalita pa kaya nakapag-focus na 'ko sa trabaho. The task I gave out was to create their own ending of Bread of Salt by NVM Gonzalez. Nakatutuwang basahin ang mga gawa nila. Mayroon silang iba't ibang gustong mangyari. Mayroong ibang may pagkakapareho, ngunit sa istilo ng pagsulat nila, masasabing sarili nilang ideya ang mga iyon.

There was a big smile on my lips when I finished checking their papers. Nang matanaw ko ang oras, mabilis kong inayos ang mga papel at binalik iyon sa lalagyan. I'll record it later after class na lang.

"Another day with the kids," Ms. Montecillo said as we went to separate ways.

Students' laughter filled my ears as I stepped my feet on the hallway on the second floor of Mary Jane's main building. Napailing na lamang ako dahil ganito naman ang palagi kong nadaratnan sa araw-araw. With a stern look, I walked my way towards my assigned room. 

Hindi yata napansin ng mga bata ang pagpasok ko dahil nanatili silang nagkakagulo sa likuran ng silid kahit na napatong ko na ang dala kong totebag sa teacher's table. I only stared at them as I stood firmly in front of the room. Ang maiingay nilang bungaga ay patuloy sa pagbuga ng mga salitang hindi ko maintindihan.

Tumahimik lamang ang lahat nang sumigaw ang president nila upang ipaalam na narito na 'ko. Sa isang kalabit, ang mga bata sa likod ay nataranta at mabilis nagtungo sa kanya-kanya nilang upuan. 

"May nasugatan po sa likod, Ma'am," sumbong ni Arin, ang batang nakaupo sa harapan ko.

Kumunot ang noo ko at kaagad lumakad patungo sa likuran. I sighed the moment I saw the girl crying at the back. Walang tunog ang bawat pag-iyak niya kaya minabuti kong lumapit at lumuhod sa harapan niya.

My heart sank looking at Mariah's lonely eyes, kaya nilabas ko ang panyo at pinunas iyon sa pisngi niya.

"Why's my pretty girl crying?"

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon