Chapter 4

76 2 0
                                    


Family is there
through the good
and bad times,
but why can't
I find mine?


I opened my apartment for him. It wasn't as big as his, but I found comfort here. Ang maliit na living room kaagad ang sasalubong sa pagpasok ng pinto kaya minabuti kong buksan ang telebisyon upang makanood siya.

"You can wait here, Doc."

His eyes roamed around my small home before they landed on me. Suot-suot niya pa rin ang nakabibighaning ngiti.

"Gusto mo bang tulungan kita?"

Mabilis akong umiling. "Hindi naman mahirap ang lulutuin ko at saka mas madali akong matatapos kung ako lang."

Tumango siya at sandali pa kaming nagtitigan bago ako natauhan. Binaba ko lang ang bag ko at saka dumiretso sa kitchen upang magluto. Nasa ref ko pa rin iyong mga binili ko kagabi kaya iyon ang niluto ko. P'wede pa naman sila kaya hindi na 'ko nagsayang ng oras.

After almost an hour, I finished cooking. Inihain ko na ang ulam at kanin sa ibabaw ng lamesa bago siya puntahan. I was about to utter a word to call him, pero hindi iyon natuloy nang makita ko siyang natutulog sa maliit kong couch. Pagod siya kaya hahayaan ko na lang sana siya roon, ngunit hindi ko napigilan ang sarili kong lumapit sa kanya. 

Ilang sunod-sunod na araw ko na siyang nakikita, ngunit ngayon ko pa lang natitigan ang mukha niya. He has a long eyelashes and thick eyebrows. Sigurado akong maraming babae ang maiinggit sa kanya dahil dito. I knew a lot of girls who wanted a thick eyebrows since I was in elementary.

Aside from those, wala na 'kong nakitang buhok sa mukha niya. Wala rin akong makitang pores kahit na ilapit ko pa lalo ang mukha sa kanya. His face is flawless, at kung hindi ko napigilan ang sarili, siguro'y hinaplos ko na ito.

I cleared my throat when he suddenly moved. Akala ko'y nagising siya dahil sa 'kin, pero umayos lang pala siya ng puwesto. Muli pa 'kong natulala sa mukha niya. His skin color is not as light as mine. Moreno siya at tingin ko'y namana niya ito sa mga magulang niya. Because his job doesn't require him to stay under the sun. At sino ba ang may gustong magbilad sa araw kung puwede naman nilang iwasan iyon?

I bit my lips as I stared at Doc sleeping on my couch. Alam kong sasakit ang katawan niya sa oras na magising siya dahil hindi siya makaunat kaya kahit labag sa loob ko, I tapped his shoulder. It was hard to wake him up lightly. Naalala ko tuloy ang sinabi niya kaninang umaga na kauuwi niya lang tapos biglang may tumawag sa kanya dahil emergency. He needs sleep, but so am I.

"Doc." I tapped his shoulder harder this time. Nang hindi pa siya gumalaw ay sasampalin ko na dapat siya, ngunit dahan-dahan niya nang kinusot ang mga mata. Umatras ako nang dumilat siya.

"Tapos na 'kong magluto," ani ko nang lingunin niya 'ko.

He stared at me longer kaya alam kong tinatantiya pa niya ang bagay-bagay. Ganiyan din ako tuwing bagong gising kaya hinintay ko hanggang sa makabalik siya sa ulirat.

"Nakatulog ako." He quickly stood up. Hindi niya napansin ang lamesa sa harap kaya tumama ang paa niya ro'n. Napapikit ako nang madinig ang pag-atras ng mini-table. 

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon