Chapter 10

58 1 0
                                    


When everything
turns dark,
be your own light.


"Your eyes are so beautiful," Ate Irish complimented as she stared longer at me. Napapikit ako nang kurutin niya ang magkabila kong pisngi. "Your cheeks are so soft, too!"

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko kasabay nang pagkagat ko sa ibaba kong labi. Sabi ni Daddy mabait daw si Ate Irish kaya hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya sa 'kin. Nang patayuin niya 'ko ay sumunod ako. 

"Turn around."

Walang pag-aalinlangan akong umikot bago ibalik ang tingin sa kanya. Her eyes are twinkling. Gusto ko sanang itanong kung para saan ang ginagawa namin, ngunit wala akong lakas para kausapin siya. Bilin ni Tita Juliana na huwag na huwag kong kakausapin ang anak niya.

"Naputol ba iyong dila mo?" Hinawakan niya ang pisngi ko at p'wersahang binuksan ang labi ko. "Nandiyan pa naman iyong dila mo, pero bakit hindi ka nagsasalita?"

Hindi ko alam kung sasagot ba 'ko o susundin ko ang utos ni Tita Juliana, mabuti na lang at bumukas ang pinto ng kwarto ni Ate Irish kaya natuon doon ang atensyon niya.

From feeling down, her face lighted up when she saw our father. Kaagad siyang tumayo at tumakbo palapit kay Daddy. Sinalubong siya nito ng yakap habang ako'y nanatiling nakatayo sa harapan ng kama ni Ate. Nababa ko ang tingin ko nang makita ang masamang titig sa 'kin ni Tita Juliana.

"Cheska," Daddy called. Napalunok ako, ngunit hindi ako bumaling sa kanya. Nakakatakot kasi iyong tingin ni Tita Juliana kahit nakangiti sina Ate at Daddy sa 'kin. "Don't you want to hug your father?"

"Ano pa bang aasahan mo riyan sa bastarda mo, Manuel?" 

Dumiin ang kapit ko sa magkabila kong kamay. Dumiin din ang pagkagat ko sa labi ko. Hindi ako sanay na nakaririnig ng masasakit na salita dahil pinaulanan ako ni Nanay ng papuri at pagmamahal. Kung papipiliin nga lang ako, pipiliin kong sumama kay Nanay kaysa ang mapunta rito kay Daddy.

I love my father, but I love my Nanay more.

"Juliana," mapagbantang tawag ni Daddy.

Hindi ito ang unang beses na naging dahilan ako nang pag-aaway nila. Gustuhin ko mang umalis, ngunit wala na 'kong mapupuntahan. At ayaw kong mag-alala pa sila sa 'kin kung maglalayas ako. I'm only twelve. Wala pa 'kong alam sa mundo at hindi ko pa kaya ang sarili ko.

"What, Manuel?"

Bago pa sila mag-away ay inangat ko na ang tingin ko kay Daddy. Before he could rebutt, I ran towards him. Hindi niya nakita iyon kaya nagulat siya nang patakbo akong yumakap sa kanya. Itinago ko ang mukha ko sa tiyan niya at niyakap siya nang mahigpit.

I wanted to cry, but I didn't want Tita Juliana to get the wrong idea. Ayaw kong lalo niya 'kong kaayawan. Ayaw ko ring mag-isip ng hindi maganda si Daddy kaya kahit masakit sa dibdib, nilunok ko ang bawat luhang nagsusumigaw na lumabas sa mga mata ko.

"Na-miss po kita."

Hinagod ni Daddy ang buhok ko at sinabing, "I missed you, too, Cheska."

Sa simpleng sagot niya, gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Kumalas din ako sa yakap namin dahil ayaw kong gumatong pa si Tita Juliana kung magtatagal ako sa braso ng asawa niya.

"We should get going now," si Tita. "Your mother's waiting for us."

Tinapik ni Daddy ang magkabila kong balikat bago niya sinundan si Tita. I only watched them walked away. They didn't notice that I didn't follow them. Kaya nang bumalik si Ate Irish at ilahad sa 'kin ang kamay niya, tuluyang tumulo ang luhang kanina ko pa itinatago. Napayuko ako dahil ayaw kong ipakita sa kanyang umiiyak ako.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon