Chapter 8

61 2 0
                                    


I don't care
what they'll say.
I'll follow my heart.
I'll follow you.


Hindi ko inasahang maraming tao ang daragsa sa araw na 'to. I thought iyong mga kaklase niya lang at relatives. I'm not good in socializing, and I had panic attacks before kaya labis ang pangamba ko habang nakatanaw sa bintanang nakasara.

I'm already ready to go. I only wear my simple peach long sleeve dress. Hanggang baba ng tuhod ko ito kaya komportable akong suotin. For footware, white flat shoes lang ang pinares ko. I'm not planning to bring things with me aside from my gift dahil dito lang naman ang bahay ko. Wala rin naman akong ibang pupuntahan pagkatapos nito.

I don't know what to gift Roldan, but with the help of Gab, I got him a great one. Nangingiti ako dahil alam akong ito ang gustong-gusto niya at sigurado akong ako lang ang magbibigay sa kanya nito dahil sinigurado iyon ni Gab.

Maingay ang musika sa labas, ngunit mas maingay ang katok sa pintuan kaya narinig ko iyon. Sinusundo na ba 'ko ni Gab? It's almost three na rin kaya malapit na siya mag-blow ng cake. Smiling, I walked towards the door and immediately opened it.

Pinatibay ko ang ngiti ko kahit na hindi siya ang tumambad sa 'kin. I hide my disappointment, so Ate Judit won't see it.

"Bakit hindi ka pa pumupunta?" bungad niyang tanong.

Nahihiya akong ngumiti at nagkamot ng batok. "Papunta na po ako." Mabilis kong kinuha ang regalo kong nakapatong sa mini-table ng living room bago sumama sa kanya.

Tulad nang inaasahan, maraming bumati at binati si Ate Judit. Nagmistulan tuloy akong anino sa likod niya, pero mas gusto ko iyon kaysa mabuhos sa 'kin ang atensyon. 

When Ate Judit got stuck in the table full of her friends, doon na 'ko nagsarili. May bakante pang lamesa sa dulo kaya roon ako umupo dahil hindi ko naman gano'n kakilala iyong iba. I can't share table with them. Mamaya'y hindi pala ako welcome roon.

I looked around the place, hoping that I could get a glimpse of him, but I didn't find him. Nakita ko lang iyong mga trabahador sa Aling Ana's Eatery na labas pasok sa bahay nina Gab kalalabas ng pagkain. 

Sa tuwing kailangan talaga ng handaan, si Aling Ana ang takbuhan dito sa Santa Cruz. Ipinagkibitbalikat ko na lang ang dami ng tao dahil pasko rin ngayon. Siguro'y ito ang taon-taon nilang ginagawa rito. I'm new here kaya marami pa 'kong hindi alam.

"Look who's here..."

Ang ngiti ko'y unti-unting nawala nang madinig ang pamilyar at nakakainis na boses. Gilmon sat beside my chair without asking for my permission. Napairap na lang ako nang titigan niya 'ko nang mayroong ngisi sa labi.

"Mukha kang mabait dahil sa suot mo, pero iyong expression mo binubuking ka."

"What are you doing here?"

"Hindi ba halata?" walang kwentang aniya. "Invited ako kaya nandito ako."

"No. Why are you here at my table?"

Umarte siyang parang nagulat. "My table?" paggaya niya. "Wala namang nakasulat na pangalan mo rito." Tumayo pa siya upang tingnan ang lamesa.

Iling at irap na lang ang ginawa ko dahil wala naman akong mapapala sa kanya. I shouldn't waste my time dealing with him. He's not worth my time. Sinulyapan ko si Roldan at nasa gitna siya ng mga kaibigan niya. I brought back my smile when I saw them laughing.

"Mas maganda ka pala kapag nakangiti ka."

Kaagad tuloy akong sumimangot dahil sa sinabi niya. I glared at him, and he looked offended. Wala naman akong pake kung ma-offend man siya dahil siya ang unang nang inis sa 'kin. I don't like him, and I won't like him.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon