Chapter 17

36 2 1
                                    


I don't want
to get hurt,
but you are
worth the pain


Simula nang gabing iyon, nagtuloy-tuloy na ang pagiging textmate naming ni Gab. Hindi na lumilipas ang araw nang hindi kami nakapag-uusap kahit sa text lang. Naging busy rin kasi siya kadu-duty, at ako naman ay naging busy sa pagko-compute ng grades. Papalapit na naman kasi ang pagtatapos ng grading period.

"Huwag mo na nga kasi akong ihatid," ani ko kay Martina dahil hindi naman ako bata para ihatid niya pa hanggang sa school.

"Nakalimutan mo bang sa Mary Jane ako nag-kinder?" sagot niya. "Hindi kita ihahatid, bibisitahin ko lang ang dati kong school!"

Umikot ang mga mata ko at hindi na sumagot. Wala naman akong mapapala sa kan'ya kaya hinayaan ko na lang siyang sumunod sa 'kin. Mabuti na lang at hindi siya nagtanong nang huminto ako sa coffee shop. Nagpalibre pa nga siya ng kape kahit na alam naman naming mas maraming laman ang wallet niya kaysa sa 'kin.

"Goodluck, Ma'am Cheska!" pang-aasar niya at tinapit-tapik pa ang magkabilang balikat ko. "Alam kong malalagpasan mo ang paghihirap sa araw na 'to. Ginusto mong makasama ang mga bata kaya goodluck!"

Umiling na lang ako sa kalokohan niya bago ngumiti kay Kuya Alfredo at iabot ang kape niya. Tumango lang ako nang magpasalamat siya. Tinawag pa 'ko ni Martina, pero hindi na 'ko lumingon dahil alam kong mang-iinis lang iyon.

Mataas na ang araw kaya minabuti kong dumiretso sa faculty upang makapag-ayos pa kahit papaano bago magsimula ang klase. Hindi ko rin mapigilang mapasilip sa ibaba nang makaakyat ako dahil may nagsasalita na sa stage—mag-uumpisa na yata iyong flag ceremony.

"Good afternoon, Ma'am!"

Napangiti ako nang madinig ang bati ni Ariana pagpasok ko ng faculty. Maraming teachers doon, pero busy sila sa kan'ya-kan'yang mga ginagawa—naghahabol na yata dahil malapit na rin ang deadline ng bigayan ng grades.

"Good afternoon, Ms. Montecillo," bati ko at saka dumiretso sa table.

Tapos na 'kong mag-check ng mga papel kaya wala nang kalat sa table ko. Inayos ko rin kasi iyon no'ng nakaraan habang naghihintay sa pagdating ni Gab. Lumawak ang ngiti ko nang maalala iyong huling gabing nagkita kami para kumain ng dinner. Pinayagan niya kasi akong magbayad dahil siya iyong nagbayad no'ng una.

Ilang minuto pa lang akong nakaupo nang tumunog ang bell kaya nagkan'ya-kan'ya na kami palabas. Katatapos lang ng exam kaya pagbabasahin ko lang muna sila ng poem at ipare-recite kung ano ang interpretation nila roon.

"Goodluck sa 'tin, Ma'am," pahabol ni Ariana bago nagtungo sa assigned room niya.

Muli akong napangiti dahil no'ng nakaraang linggo pa nagbalik sa pagiging masiyahin si Ariana. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Hindi ko naman siya matanong dahil pakiramdam ko'y napaka-private na no'n para alamin ko pa. Basta'y maayos na siya, iyon lang ang importante.

"Get one and pass," I said right after the prayer.

Napakamot sa ulo ang iba nang makita kung ano iyong pinamigay ko. I print copies of And If the Heart Cannot Love by Jose Garcia Villa. It's a poem about the importance of love in our life. Alam kong wala pa silang alam sa romantic love kaya in-explain ko na lang iyon gamit ang ibang uri ng pag-ibig—sa pamilya at sa kaibigan.

"Make sure the room's clean before leaving."

Naupo ako sa teacher's table habang naglilinis ang cleaners sa loob ng kwarto. I need to finish my block and lesson plan for next week. Hindi p'wedeng hahayaan ko lang dumating ang susunod na linggo nang walang plano para sa linggong iyon. Hindi ako magaling sa impromptu, kailangan ko ng plano.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon