Chapter 19

42 2 0
                                    


The past
that you're
eager to forget
has always had
its own way
of coming back


Nakita ko ang takot at kaba sa mukha niya nang tumagal na nakatitig lang ako sa kan'ya. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. Ever since I was young, I was not a selfish. Isang beses ko lang naman pinili iyong sarili ko no'n, pero ang naging ending no'n, lalo lang akong nasaktan kaya hindi ko alam kung ano'ng gagawin ngayon.

Magmamadali ba 'ko at sasabihing gusto ko rin siya, o kung magpapakatotoo ako na hindi pa 'ko handa? Na kailangan ko pa ng oras.

"If you can't answer right now, I'll give you time."

Slowly, I smiled because of what he said. Napaka-thoughtful niya talaga. Wala siyang pinipilit sa 'kin. Lahat nang ginawa namin, pumayag ako ro'n.

"You're not hard to like..." Napahinga siya nang maluwag dahil doon. "But I'm not yet ready for this, Gab," I honestly said.

"Hindi ako nagmamadali."

"Yes, you're not..." Tumango ako kasabay nang pag-angat ng tingin sa kan'ya. "I just want to tell you that I... I'm not ready to cross the line."

Natahimik kami. Tanging ang maingay na host lamang at mga taong humihiyaw ang naging ingay sa pagitan naming dalawa. Hindi madali para sa 'king sabihin iyong sinabi ko, pero iyon iyong totoo.

Kung muli akong susugal ngayon, alam kong hindi maganda ang pahahantungan nito. Ayaw kong umasa siya sa 'kin... Dahil mismong ako ay hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito.

Oo, noon pa man ay aminado akong may gusto ako sa kan'ya, pero sapat na ba iyon upang sumubok ulit? Upang masaktan ulit?

Gab nodded his head. "Nakuha ko kung ano'ng gusto mo'ng sabihin..." Patuloy siyang tumango kasabay nang pag-iwas ng tingin mula sa 'kin. "You're not yet ready, so I won't force you. Kung ayaw mo pa, handa akong maghintay."

Nanikip ang dibdib ko nang makita ang pagkislap ng mga mata niya nang tumama iyong ilaw roon. Gusto ko na lang tuloy bawiin ang lahat nang sinabi ko, pero alam kong hindi p'wede dahil iyon ang tamang gawin. Hindi ako papasok sa isang relasyon gayong alam kong hindi pa 'ko handa. Masyadong masakit iyong nangyari sa 'kin, at kung papasok muli ako sa isang relasyon nang hindi pa naghihilom, alam kong mas masasaktan si Gab. At ayaw ko siyang saktan. Iyon ang huling bagay na gugustuhin ko.

"I just want to express my feelings for you," he said. "I knew I told you we were friends, but I couldn't be just friends with you... Pero kung iyon lang ang kaya mong ibigay, tatanggapin ko."

"Please don't feel uncomfortable just because of my confession. I just can't keep it with myself. Ang tagal ko nang gustong sabihin sa iyo 'to, pero sinigurado ko muna kung totoo ba..."

Nakatitig lang ako sa kan'ya kaya mahina siyang natawa. Alam kong may halong sakit iyon, pero wala akong ginawa upang pagaanin ang loob niya.

"I'll wait for you... I'll wait until you're ready to open your heart to me."

Wala nang nagsalita sa 'min hanggang sa tuluyan niya 'kong mahatid sa apartment. Isang goodnight lang at kaagad akong lumabas. Nagtaka ako nang bigla niyang paandarin ang sasakyan nang makapasok ako, pero hindi ko na hinayaan pa ang sariling malunod doon. Baka may emergency...

"What happened?"

The next morning, Martina was the first I saw. Wala akong ekspresyon habang nakatulala sa mukha niya. She's wearing her playful smirk. Alam na alam na anomang oras ngayon ay magsisimula siyang magtanong at mang-asar.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon