Chapter 27

39 2 9
                                    



An awful past,
but it will always
be a part of me


"Ma'am Cheska!" nasisiyahan at paulit-ulit na tawag ni Ian sa 'kin hanggang sa makarating ako sa harapan niya.

Kasabay nang paggulo ko ng buhok niya ay ang paglabas ni Ate Marlene sa loob ng munti nilang bahay. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako.

"Naku, Ma'am!" She gently pulled Ian to give me some space. "Bakit po nag-abala pa kayong pumunta rito?" nahihiyang tanong niya.

"Pasensya po, Ate Marlene," ani ko. "Hindi po ako nakapagdala ng pasalubong para sa mga bata, medyo nagmamadali po kasi ako." Napakamot ako sa batok.

"Wala po iyon sa 'min, Ma'am Cheska!" sagot ni Ian.

Napangiti ako sa sagot niya. Pareho kaming napatingin sa kanya ni Ate Marlene. Nakita ko ang pag-iling ng nanay niya bago siya bumaling sa 'kin. "Oo nga po, Ma'am. Wala po iyon. Welcome po kayo sa 'min kahit kailan n'yo gustong bumisita."

"Salamat po."

Nasa likod ng bahay nila si Ariel at ayon kay Ian, pumasok daw ang Kuya Nicolas niya. Madaldal si Ian kaya kahit na tinutulungan kong magkulay si Ariel ay nasa tabi ko pa rin siya.

"Regalo po iyan ni Ate Martina," ani Ian at tinuro ang mga gamit ni Ariel sa pagkukulay.

Martina really spoiled these three, and I know these kids deserved to be spoiled by her. Ang babait kasi nila at magagalang pa. They even helped their mother sa mga gawaing bahay habang nandito ako. I tried to offer help pa nga, pero hindi nila 'ko pinayagan.

"Paumanhin po, Ma'am Cheska, at ito lang ang nakayanan kong iluto."

Nagparte ang mga labi ko nang makita ang turon na hinain ni Ate Marlene. Napaayos ako ng upo at tinulungan si Ariel na magligpit ng gamit niya. She has her backpack kaya roon namin nilagay. Matapos no'n ay muli kong binalik sa pagkain iyong tingin.

A wide smile immediately formed on my face when I inhaled its scent. Amoy pa lang ay natatakam na 'ko. Ngayon ko lang naalalang hindi pa pala ako nagtatanghalian at oras na ng meryenda.

"Mukhang masarap po ang niluto n'yo."

Nahihiyang ngumiti si Ate Marlene. Nang mapansin kong hinihintay ako nina Ian at Ariel kumain ay mabilis kong sinuot ang plastik at kumuha ng isang piraso. Muntik ko pa nga'ng mabitawan iyong turon dahil mainit pa.

"Hala, Ma'am, baka po mapasok kayo," nag-aalalang ani Ate Marlene.

Umiling ako. "Hindi naman na po masyadong mainit."

Inanyayahan ko na rin silang kumain dahil nakakailang kung ako lang ang kakain at ako ang bisita rito. Baka isipin nilang nandito lang ako para makikain.

Nang matapos kaming kumain ng meryenda ay oras na yata ng pagtulog ni Ariel kaya naiwan akong mag-isang nakaupo sa lamesang gawa sa kawayan. Inipon ko iyong mga nagamit naming plastik at saka inilagay iyon sa malaking plato kung saan nakalagay ang mga turon kanina. Wala akong makitang basurahan kaya inipit ko muna iyong mga plastik sa ilalim ng plato dahil lumalakas iyong hangin.

Umusog ako nang lumabas si Ate Marlene. Nag-iwan siya ng isang metrong distansya sa pagitan namin nang umupo siya sa tabi ko.

"Oras na po ng tulog ni Ariel, at gumagawa naman ng takdang-aralin si Ian."

Tumango ako kasabay nang pagbaling sa harapan. Nasa likod kami ng bahay nila kaya tanaw ko ang malawak na bukirin. I don't know who owns this land, pero saludo ako sa kanila dahil hindi nila pinaalis dito ang pamilya nina Ate Marlene.

Drowning in Pain ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon