Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo
Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.
Thank you!
***
In Love Series 3: Completely
Kabanata 19
Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Calum tungkol sa pagtira namin sa Laguna bago ako maaksidente. I was so certain that before the accident, we've lived in US. Tugma iyon sa naaalala ko pagkagising ko mula sa saing linggong pagkakatulog sa hospital.
Pero ngayon... May pagdududa na ako. Ayon kay Calum, sa Laguna kami tumira bago nangyari ang aksidente. Ngayon, nalilito ako.
Yes, I got into a car accident way back when I was in high school. I don't know how it happened though. Basta nagising na lang ako sa loob ng hospital, may benta sa ulo at ang alaala ay nasa US kami. Ang huli kong ala-ala ay nang tumira kami sa US noong grade 9 ako.
Sabi nila ay isang linggo akong walang malay. Medyo kritikal pero lumaban naman ako. Ang sabi noong doktor ko ay baka may selective amnesia raw ako.
"The doctor said you probably had a selective amnesia that's why you can't remember that particular year when we lived in Laguna. You probably remembered that summer vacation we had in US after your grade 9. Nangyari iyon bago tayo tumira ng Laguna kaya baka iyon ang naalala mo." That's what Calum told me before he turned his back at me and left me dumbfounded that day. He didn't say farther than that.
Isang buwan ko na itong iniisip at sa tuwing magtatanong ako kay Calum o kahit sa ibang mga kapatid, lagi nilang sinasabi na huwag kong piliting makaalala dahil baka makaapekto lamang sa akin.
I wanted to know. I so ever wanted to know how it happened. Kung paano at bakit sa Laguna kami tumira at kung paano ko nakilala si Ishmael. I want to remember and the three idiots won't tell me a single thing about!
Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip na may higit pa sa aksidente ang nangyari noon. There is something! They're hiding something and I wanted to know more of it!
Sasabog yata ang ulo ko dahil sa kaiisip ng tunay na nangyari. Basically, I don't remember the whole thing about Laguna. Kahit isa, wala. Kung totoong tumira kami roon ng isang taon, ibg sabihin ay buong isang taong iyon ang wala sa alaala ko. Kabilang doon si Ishmael at ang mga dahilan kung bakit nga ba kami tumira roon.
I don't even remember that my late grandmother has a house in the place.
"Ayos ka lang, Chrishane?" I startled a bit when Sammy tapped my shoulder twice. Naputol na naman ang pag-iisip ko at napatingin kay Szamira na nakakunot sa akin ang noo. "Anong nangyayari sa'yo Chrishane? Cheer up! Mamaya na ang laro natin."
I breathed heavily and shook my head. I've been thinking all of these for a while now. Kailangan ko munang mag-focus sa laro namin.
"Napapansin kong laging malalim ang iniisip mo simula noong mabalitaan namin na may banta na naman sa'yo. Hanggang ngayon ba?"
Isa pa iyon sa iniisip ko. Since that day, I've been receiving unknown letters again. Hindi naman siya banta ng kapahamakan pero lagi akong nakakatnggap ng mga papel tungkol sa pag bunyag ng katotohanan raw. At sa isang buwan na lumipas, walang palya iyon. Araw-araw. Pareho lang ang mensahe, iba-iba lang ang kulay ng sobre.
"The truth will be out soon. Be ready." Iyon lang lagi ang laman ng sulat. Mapa-locker ko o sa may sasakyan ko, laging mayroon.
"It's not totally a threat like before, Szamira. Kaso araw-araw, may nagpapadala ng parehong mensahe. Walang palya."
![](https://img.wattpad.com/cover/229005189-288-k76876.jpg)
BINABASA MO ANG
Completely (IN LOVE SERIES #3)
General FictionChrishane Ocampo is the star player of the campus. She's entitled as the Tigress Queen as she always wow the crowd for her incredible skill inside the court and for the fact that she has a bad attitude - na iniirapan lamang naman niya. Making into t...