Kabanata 27

239 5 1
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 3: Completely

Kabanata 27

The devil inside my chest won't just calm the hell down even though Ishmael is gone. Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Alam na alam talaga nito kung kanino titibok at kung sino talaga ang may-ari sa kaniya.

Walang nagawa ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat sa epektong dala ng Pilyong Kerubin. Pinagpawisan ako ng malamig at nanginig yata ang buong sistema ko dahil sa maikling interaksiyon na iyon.

Maling mali talaga ang pagpayag kong sumama rito.

At saka bakit sila narito? They have a tour in Switzerland! Dapat naroon sila at hindi rito! E di sana'y matiwasay ang damdamin ko ngayon!

"Ishmael and I were done years ago. Hindi na kami pwede so please, heart, calm down. Huwag mo akong ipahiya sa amo mo. Kailangang sekreto lamang na hindi pa natin siya nakakalimutan," I whispered again trying to calm myself.

Sa dami nang nangyari noong mga nakalipas na taon, siya lamang yata ang hindi ako maka-move on. Nag-iisa siyang hindi ko nalampasan.

At kung iisipin ko ngang mabuti, alam kong na kahit marami ang nangyari sa mga nakalipas na taon, hinding hindi siya maaalis sa sistema ko. His name and memories were etched on my bones and on my system... the switch off button were nowhere to be found.

"Saka isa pa, heart, he has a girlfriend already. Wala tayong laban doon. May label." Ngisi ko pa. "Ang dami na nating luhang naiiyak para sa kaniya, bakit hanggang ngayon siya pa rin?"

Siguro dahil nag-iisa talaga ang isang Ishmael Cairo. Walang katulad.

I remember way back when everything was just a mess. Noong gabing bumalik ang alaala ko, lalong naging magulo ang buhay ko. Siyempre, kasama roon si Ishmael. Iyong puso kong durog na durog na, mas lalo pang dinurog. Hindi ko alam kung paano ako babangon noon. Hinang-hina ako at hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas.

If it wasn't for three idiots, maybe until now, I wasn't my sane self.

I have been to many pains and heartaches. From the fall of my dreams up to my the breaking of my heart... the three idiots were always there, guiding me and giving me the support a broken woman could ever have.

Ako iyong panganay pero ako iyong mahina. Sila iyong mas bata pero sila ang humila sa akin pataas. They did not give up on me even though I gave up on myself.

They were there, at my side, as always. The best brothers, indeed. The best idiots of my life.

Gumising akong nasa mansion na namin. They said that I have been sleeping for hours now and the time I fainted at my Lola's old house, they said that Jelay called an ambulance.

The familiar ceiling of my room greeted me. Hinang-hina ang katawan ko at ang mga mata ko ay mabibigat. I tried to get up from the bed but my whole body can't even move a flinch. I groaned.

"Hey, baby..." it was Shawn's voice I heard. Sinundan iyon ng mga boses pa na tila nag-uusap sa kung ano.

"Don't move, D. You need to rest," kay Elvis na boses iyon. Pumikit na lang ulit ako at ininda ang bigat ng buong katawan ko.

Completely (IN LOVE SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon