Kabanata 36

327 5 2
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 3: Completely

Kabanata 36

"Si Bruno na lang ang maghahatid sa akin. You can still enjoy the night," I said quietly. I removed his hand on mine. Humakbang ako sa tabi ni Bruno na tahimik na nakaabang sa aming dalawa.

Hindi siya umimik. Ang kamay niyang naiwan sa ere ay unti-unting bumaba. He stared at me. Mapungay ang kaniyang matang nakatitig sa akin.

"LQ kayo?" Bruno interrupted and smirked. Agad ko siyang hinampas sa braso kaya tinawanan niya ako.

"Sige na, Ishmael. Si Bruno na lang ang maghahatid sa akin." I gave him a small smile. Binuksan ni Bruno ang pinto ng SUV.

He looks sad and hurt. Bothered and worried. It was reflecting on his dark eyes. He bit his lower lip and just stared at me. It is like he wants to do something or say something but couldn't. He was hesitant. Hindi ko alam kung bakit.

Bumuntong hininga ako. I bit my lower lip too.

"Do and finish your work, Ishmael. I'll be waiting."

Akala ko ay mapapanatag siya at maalis ang sakit na nakikita ko sa kaniyang mga mata ngunit mas lalo ko lang nakita ang mga emosyong nabanggit ko kanina.

"I'll be waiting for you." I assured him.

"Baby," he said in pain. Umubo si Bruno sa gilid at nagpipigil ang ngiiting umalis para hayaan kaming dalawa. Ako naman ay napataas ng kilay. "I'm sorry..."

He let out a frustrated sigh. Tumingila at pumikit bago hinilot ang pagitan ng kaniyang mga mata. Nang muli niyang ibalik sa akin ang kaniyang tingin, mas pumungay pa ang kaniyang mga mata.

Humakbang siya ng isang beses palapit ngunit umatras naman ako. Natigilan siya at umawang ang kaniyang labi. Nanlaki naman ang mga mata ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ako umatras!

"U-Uh..." I can't find my words!

"Ishmael!" from him, I gazed at his back where Criselda called him. She was walked fast and held Ishmael's hand as if she didn't see me. Ako ngayon ang napaawang ang labi.

Criselda is totally fine now. No gauze on her body and no traces of wounds.

Napatitig na lang ako sa kamay nilang dalawa. Heads empty, totally stupefied. Emotional Damage.

"I thought you left. The night isn't over yet. Sabi mo ay wala kang gagawin tonight."

Walang gagawin? So kung hindi ako nagpunta rito o hindi niya ako nakita hindi niya ako maaalala? Kung hindi ako nagpunta rito, wala siyang gagawin?

Sa bagay, hindi naman talaga siya ang ipinunta ko rito kaya bakit ako magrereklamo 'di ba?

Hindi na ako nagsalita pa at tahimik na lamang na tumalikod. Alerto si Bruno na agad humawak sa nakabukas na pinto ng sasakyan, hinihintay ang pagpasok ko. I can sense his disappointment thru his consecutive shaking of heads.

I gave him an eye roll and was about to step on the SUV but stopped when I heard what Ishmael had said.

"Stop pretending that we are close, Miss Madrid. Be professional. I did what I was told to do. My role is done. You can go back inside." he said that as cold as the night. Tila yelo ang boses niya dahil sa kalamigan ng mga salitang kaniyang binitawan. "My girlfriend is waiting for me."

Completely (IN LOVE SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon