Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo
Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.
Thank you!
***
In Love Series 3: Completely
Kabanata 38
Masama ang iginawad kong tingin kay Aya. Hindi ko alam kung bakit kami humantong sa ganito. Nagagalit ako sa kaniya at sa sarili ko rin. Hindi niya dapat iyon naranasan. Dapat ay naroon ako at kasama niya.
For freaking sake, I am her best friend! Ni wala akong nagawa. Ni wala ako sa tabi niya noong mga panahon na sinubok siya ng tadhana. Anong klaseng kaibigan ako kung ganoon?
"I'm sorry..." for the nth time, I heard that word from me. Umirap ako para itago ang luhang nagbabadyang pumatak sa aking mga mata.
"Ang arte mo, Chrishane. Tantanan mo si Aya. Lalo mo lang pinapahirapan iyong tao." Si Kapitana iyon. Nasa isang gilid at pinapanood kung paano ako um-attitude sa harap ni Aya. Narito rin si Sammy at si Bea. Ilang araw matapos sabihin ni Aya ang nangyari sa kaniya, narito ulit kaming lahat para ayusin ito.
"Hindi ko gustong itago, Chrishane. Ayaw ko lang na mag-alala pa kayo... I am healed. Okay na ako. At hindi ko gustong isipin mo pa iyon."
Hindi ko na yata kayang pigilan ang pagguhit ng sakit sa aking puso nang nag-iwas si Alyanna ng tingin. Isang patak ng luha mula sa kaniyang mga mata, tiklop agad ako.
Hindi ko kinaya nang malaman ko ang nangyari sa kaniya. It was Andrei who told us what really happened. That night when we're supposed to celebrate Kapitana's engagement. But it turned our revealing what had happened when a certain Camillo Acosta went to get Aya out from the place.
I am too stunned to process everything that has Andrei said and when I did, I lost all my rational thoughts and hurt Aya. Ni hindi ko napigalan ang sarili ko na magalit, magtampo at masaktan para sa minamahal kong kaibigan.
Kaya ganito ang pagsisisi kong wala ako sa tabi niya. I should have been there... Kung sana ay mas naging matapang pa ako... Kung sana ay mas naging malakas ako at hindi hinayaan ang kahinaan na mamayani sa akin... Nakatulong sana ako sa kaniya...
Seeing her wept days ago just because of the struggle she had for the past year... I know I failed as a friend. I am supposed to be there because I am her best friend. I am supposed to help her heal, to guide her and to lift her up.
I failed... as her best friend... as her sister...
"I failed..." bulong kong hindi na napigilan ang sakit. Tumalikod ako sa kaibigan at nakapamaywang na tumingala para pigilan ang luha sa aking mga mata.
"Chrishane...."
"I failed to be your best friend, Aya. Anong klase akong kaibigan..."
"You did not. I choose to face my own battle alone. It wasn't anyone's fault. It is my fault." Ramdam ko ang sakit sa bawat salita ni Aya. "Don't blame yourself for not being there, Chrishane. In order to get the healing that I deserve, I know I need to be on my own so I did. It's no one's fault."
Humarap ako sa kaniya at hindi na itinago ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayaw ko mang makita niya akong ganito, hindi ko na napigilan.
"This is why I purposely did not tell anyone lalo na sa'yo. Alam kong sisishin mo ang sarili mo for not being their when I needed someone the most."
BINABASA MO ANG
Completely (IN LOVE SERIES #3)
Ficción GeneralChrishane Ocampo is the star player of the campus. She's entitled as the Tigress Queen as she always wow the crowd for her incredible skill inside the court and for the fact that she has a bad attitude - na iniirapan lamang naman niya. Making into t...