Kabanata 23

272 3 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 3: Completely

Kabanata 23

"Make some noise Araneta!" Isabelle cheered and went to the center stage and cheerfully waved at their fans. She flashed his sweet smile showing her perfect set of teeth.

Tumawa ang kaniyang kakambal habang malumanay ang pag-strum sa kaniyang gitara.

"Thank you everyone for coming here tonight," she then said. "Lalo na sa isa diyan na naging dahilan ng pag-tantrums ni Kuya nitong mga nakaraang araw..." sabay baba ng tingin sa akin at pilyang ngumiti.

Damn this twin!

"Huwg mo akong ilaglag, Isabelle," tawa ni Ishmael habang marahan pa rin ang magtugtog sa kaniyang gitara. "Magagalit 'yan tapos hindi ako uuwian."

Muli kong narinig ang sigawan ng mga dumalo. They're on fire! Balak ba nilang gibain ang buong Araneta?

"Kung hindi niyo naitatanong..." she then flashed her sinister smirk on me. Nagtaas naman ako ng kilay.

"Isabelle!" halakhak muli ni Ishmael. Tumawa rin si Isabelle at uming-iling.

"But anyway, the next song is dedicated to this woman you all knew...." Tawa rin ni Isabelle. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ay sa kaniyang Kuya na naiiling habang busy pa rin sa kaniyang gitara.

"Ahhhh! Duchmael! Duchmael!" they chanted, iyong iba tinuturo pa ako.

"Sinong ibig ni Kuya?!" tanong ng Pilyang Kerubin na halos isigaw iyon sa microphone.

"Si Duchess!" pagsakay ng mga tao sa kaniya. Halos ibaon ko na ang sarili sa upuan ko!

Damn!

"Sinong pakakasalan ni Kuya?!"

"Si Duchess!"

Kailan ba?

"Sinong mahal ni Kuya?!"

"Si Duchess!"

Talaga? Weeh?

"At sinong aakyat rito para kumanta?!"

Oh my gosh, no!

"Si Duchess!"

"Ahhh! Duchmael! Duchmael!"

Muling dumagundong ang buong Araneta dahil sa lakas ng sigawan nila. Halos mabingi na ako. Si Pastel sa tabi ko ay inis na inis na at gusto na yatang iwan ako.

"Damn corny, Ocampo. Wala na bang mas maganda sa palabas na ito?" halos pasigaw niyang sabi sa akin para marinig ko.

"Paano ba 'yan, Duchess? Can you come here?"

Mabilis akong umiling. Ayaw ko!

"Hala, ayaw ni D! Paano na?"

Ngayon, pangalan ko naman ang isinisigaw nila.

"Duchess! Duchess! Duchess!" they chanted.

"Kuya, sunduin mo? Ayaw raw eh."

"Come one my baby Duchess," tawa ni Ishmael. Sinamaan ko siya ng tingin.

I won't come into the that stage! Never!

Hindi ako kakanta sa harap ng mga taong ito!

"I missed you, my baby Duchess you know?"

Completely (IN LOVE SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon