Kabanata 33

353 4 0
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 3: Completely

Kabanata 33

Nagising ako dahil sa amoy na nanggagaling sa kung saan. Mabango iyon at masarap. Hindi muna agad ako bumangon at inisip pa muna kung nasaan ako dahil huni ng mga ibon ang naririnig ko mula sa labas. Ilang beses kong kinusot ang mga mata ko. Dahil malabo ang mata, hindi ko tuloy agad na-realized na nasa bahay ako ni Lola.

Kinapa ko ang night stand sa gilid at kinuha ang salamin ko roon. Sunod kong inabot ang cellphone para tingnan ang oras. Alas nuebe pasabo na. Bumangon ako at umupo sa kama at akmang aalis na para maligo nang bumalik sa isipan ko kung anong nangyari kagabi.

Kinagat ko ang labi ko at muling kinuha ang cellphone. I don't usually check my social media accounts but now I am intrigued.

Last night, after the heartfelt moment Ishmael and I had, nagyaya na akong umuwi. Bukod sa ayaw ko nang kumanta dahil nagre-request pa ang mga bisita ni Jelay, nakaramdam na ako ng pagod at antok. Alam kong ganoon rin si Ishmael kaya nagpasya akong umuwi na.

Pinakawalan naman kami ni Jelay dahil medyo may tama na rin ito. Ngunit nang makarating kami sa kaniyang sasakyan, hindi agad kami umalis. When we settled inside, he made himself busy with his phone.

"What are you doing?" I asked as I noticed that he's taking his time on the phone. "Is there a problem? Pinapauwi ka?"

"No. I'm uploading something," he said and put the phone on the dashboard after. Kumunot na lang ang noo ko at hindi na nag-usisa pa. Pinaandar na niya ang kaniyang sasakyan na tahimik kaming dalawa. I am too tired to make a conversation. Ganoon din naman yata siya dahil halata na rin ang pagod sa kaniyang mukha.

Kaya lang, nang itigil na niya ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Lola, nakatanggap ako ng mensahe galing kay Zian. Sa Instagram siya nag-message.

Ziana: Check your Instragram and my messages to you, Duchess!

Iyon lang naman kaya hindi na ako nag-abala dahil baka kung ano na naman ang iti-nag nila sa akin. Itatabi ko na ulit sana ang cellphone pero may napansin ako roon. Someone mentioned me on a post.

Nag-angat ako ng tingin kay Ishmael. Nasa sasakyan pa rin kami pero natanggal na ang seatbelt at handa nang bumaba.

"You tagged me?" Hindi niya ako sinagot. Bumaba siya at mabilis na umikot para pagbuksan ako ng sasakyan.

Bumaba ako at tinitigan siya. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"Why did you tag me? At anong picture o video ba?" usisa ko. Pero sa halip na sagutin, hinawakan niya lang ang kamay ko at pumasok na sa loob ng bahay. Hinila niya ako paakyat diretso sa tapat mismo ng kwarto ko.

"Ask me tomorrow hmm? You must rest," he said. Iniyuko niya ang kaniyang ulo at pinatakan ako magaan na halik.

Tila ako nawala sa sarili dahil doon. Lagi na lang ganito ang reaksiyon ko at hindi yata ako masasanay. Isang patak pa ng halik sa labi at sa noo, naipasok na niya ako sa aking kwarto. Natulala ako at hindi agad nakapag react. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto at ang mga hakbang niya paalis.

Ibinagsak ko ang sarili sa kama at pumikit habang iniisip ang nangyari. Nakatulugan ko iyon at nakalimutan na ang kung anuman na itinag niya sa akin.

Nakatitig ako sa aking cellphone. He didn't tag me but someone in the comment section did mention me. Hindi ko iyon kilala. Siguro ay fan ko o fan ni Ishmael.

Completely (IN LOVE SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon