Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo
Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.
Thank you!
***
In Love Series 3: Completely
Kabanata 25
Mahaba ang naging katahimikan matapos sabihin ni Daddy ang tungkol sa Mommy ni Geoffrey. Kita ko ang lungkot at ang pagrehistro ng sakit at pagsisisi sa mga mata ni ng huli.
Normal iyon sa isang anak na nawalan ng ina. Natural ang masaktan kapag nawalan ng mahal sa buhay. I will never justify his actions and the way he dealt with everything but I know what he feels. Kita iyon sa kaniyang mga mata na nasasalamin ang pagod at sakit para sa lahat ng ito.
He's in pain. He's hurt. At sa kagustuhang mabigyan ng hustisya ang pinakamamahal na ina ay ginawa niya ito. Sa paraang alam niya at sa paraang gusto niya, nakagawa siya ng isang bagay na alam kong pagsisisihan niya.
"The accident that had happen years ago is the result of your father's thirst of power. Duchess is innocent." My father spoke, breaking the silent.
Muling nangilid ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung para saan iyon. Kasabay rin noon ang pagsikip ng dibdib ko at tila nahihirapan akong huminga.
Pagkaawa ba para sa kapatid? Sa takot na naramdaman ko kanina? Para saan? Para ba sa mga kaibigang nadamay sa gulo ng buhay ko? Para kay Calum at kay Isabelle na nabaril? Para kay Senator Lique na kailanman ay hindi ako titingnan bilang isang anak? Kay Criselda Madrid na hindi nagpaka-ina sa akin? Para sa pamilyang kumupkop at nagprotekta sa akin?
Hindi ko alam. I honestly don't know.
"You should've spared my daughter and went to us instead if you really are eager to have the justice for your mother. She's a victim too, like you and like your mother," patuloy ni Daddy.
"That's enough, Humberto. I guess, he realized his mistakes now," si Lolo na kanina pa nananahimik. "I won't forgive you this time, Gilbert but I will spare your son. He's a victim, blinded by your words."
It was a law-like words from my grandfather. No one commented on that, even I. Hindi ako nakaiimik man lamang. Hindi ko alam kung mag rere-react ba ako. Ang isip ko ay puno na at tila nag-uumapaw dahil sa mga nangyayaring ito.
I am sure earlier that Geoffrey will pay for this and for the fact na idinamay niya ang mga kaibigan ko. I know, I won't forgive him and his father. I know I won't.
"Duchess come here," inilahad ni Lolo ang kaniyang kamay, inaanyayahan akong pumunta sa kaniya. Nagdalawang isip ako. Gusto ko na lang tumakbo palayo. Iyong malayo sa kanilang lahat.
Pero sa huli, sumunod ako sa gusto ni Lolo. At parang eksena sa pelikula na ang mga mata nila ay nasa akin, nakasunod sa mga maaari kong gawin. Nang makalapit ako kay Lolo ay naninimbang na ang kaniyang tingin. His eyes are like hawk on me.
"I will make your real father pay for what he did," ani Lolo na parang namamaalam sa akin.
At ano ang sasabihin ko? Tama na magbayad siya dahil sa kaniyang ginawa. Lahat ng sangkot rito ay kailangang pagbayaran ang kanilang kapangahasan.
Hindi ako umimik bagkus ay marahan akong tumango. I want justice not for myself but for my friends, for my brother, for Isabelle and Ishmael and for my family. Hindi na para sa akin.
BINABASA MO ANG
Completely (IN LOVE SERIES #3)
General FictionChrishane Ocampo is the star player of the campus. She's entitled as the Tigress Queen as she always wow the crowd for her incredible skill inside the court and for the fact that she has a bad attitude - na iniirapan lamang naman niya. Making into t...