Kabanata 13

243 8 1
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 3: Completely

Kabanata 13

Hindi matawaran ang saya ko habang nakayakap kay Ishmael at pumapatak ang mga luha.

I finally have my dreams in my hand. Wala nang atrasan ang pag-abot ko sa pangarap na binuo kasama ang aking mga kaibigan. Parang eksena sa pelikula ang pagbalik ng alalaala kung paano namin iyon pinangarap. Kung paano kami sabay sabay na nangarap maging isang atleta.

At kahit ako lamang iyong nagpatuloy, alam ko namang kasama ko pa rin sila. Alam kong nariyan lang sila, nakasuporta at handang-handang pumapalakpak para sa akin. Binitawan man nila, narito naman ako, handa itong saluhin ng buong puso. Handang-handang yakapin ang pundasyong bumuo sa pagkakaibigan namin.

No matter what happen, no matter how hard it is to be here, we are one for this. I would be their living dreams who will stand and make wings alive. This is for them and for our unbreakable friendship.

"I am so proud of you, baby Duchess. I can't wait to celebrate your success," muling bulong sa akin ni Ishmael. Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at sinapo ang aking mukha. Marahan niyang pinunasan ang aking mga luha gamit ang kaniyang magaganda at mahahabang daliri.

Marahan akong tumango sa kaniya at bahagyang natawa dahil sa ginawa ko. I literally interrupted their shoot!

"Congrats Miss Chrishane but unfortunately, we will celebrate it later for we are having the photoshoot," tawa noong director mula sa kaniyang pwesto. Natawa kaming pareho ni Ishmael.

"Sorry direk! My baby Duchess is just excited to tell her success," he teased. Nahampas ko tuloy ang kaniyang matigas na braso.

Kusa na akong humiwalay kay Ishmael, pinunasan ang natirang luha pagkatapos ay tumitig sa kaniya, "I'll wait for you until you're done. Let's celebrate."

"Sure, my Duchess. I'll make this fast," isang hakbang papalapit sa akin, binigyan niya ako ng isang marahang halik sa aking noo.

"Quite a show. Huwag kayong mang-inggit. Oo na, ako na ang single!" sabi noong photographer at nagmuwestra na umalis na ako sa tabi ni Ishmael dahil itutuloy na raw ang shoot.

Isang matamis na ngiti bago ako umalis sa tabi niya. Nahagip ko pa ang titig sa akin ni Criselda na katabi lang din ni Ishmael. Seryoso ito habang ang mata ay nasa akin.

But anyway, I am way too happy to even mind her. Ngiti na lang ng iginawad ko sa kaniya.

Sinalubong ako ng kanilang manager na ang ngiti sa labi ay kasing lapad yata ng sa akin.

"Congrats, Miss Chrishane," she said. Inilahad sa akin ang isang upuan at sinabingumupo ako roon. Inabutan niya rin ako ng tubig. She even handed me a hand fan.

"Thank you," I muttered at her.

The time I settled myself on the chair, that's when my phone beeped. Tiningan ko iyon at mensahe ng mga kaibigan ko ang agad na bumungad sa akin. Lahat sila ay hinahanap ako at niyayang magcelebrate mamayang gabi.

Ako: Out of town with Kerubin. Can't.

Reply ko at bago ko pa mapatay ang aking cellphone, tumunog na ulit ito para sa isang mensahe.

Completely (IN LOVE SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon