Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo
Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.
Thank you!
***
In Love Series 3: Completely
Kabanata 21
I still can't process the information they revealed to me. Gaping and totally shock from what my family has told, I don't know what to say.
Can you believe it? I am not, I think I was! All I know is I am not an Ocampo and I am not my parents' child but hearing these revelation... parang hindi ko kilala ang sarili ko.
I am an Ocampo legally. I have a Lique blood on my veins. Senator Lique wants me. I am an Africa... I am Jose Africa's only heiress of his billion-dollar company not included his properties...
Ganito kagulo ang buhay ko...?
"Crisanta was my best friend. I was there when everything happened. I witnessed it all..." Mommy started to tell the story of how it started. I became attentive to that. All ears on her, I want to know kung bakit ako napunta sa mga Ocampo. "Bagong kasal pa lang kami ng Daddy mo noon, Duchess nang malaman kong may relasyon sila ni Gilbert. I was shocked, of course. Everyone knows Crisanta as the good daughter of the Vice President and the good wife of Manolo Madrid. She's the role model. Hindi makabasag pinggan kaya ang katotohanang may relasyon sila ni Gilbert, kilalang senador, mabuting asawa at ama, ay sadyang nagpagulat sa akin..."
I bit my lower lip when Mommy teared up reminiscing the past. Lahat ay natahimik at nakikinig lang kay Mommy. Si Daddy ay lumapit sa kaniya at pinatakan siya ng halik sa gilid ng ulo. Kita ko rin ang paghapit nito sa baywang ni Mommy.
"Tutol ako. Sinabihan ko siya, pinigilan dahil alam kong malaking gulo iyon. Respetado ang kaniyang ama, your Lolo. Ganoon din si Gilbert. And she has a family. But Crisanta did not listen to me. She just said she loves Gilbert and that she's willing to take the risk for him. Nagtangka akong sabihin kay Jose Africa ang kahibangan ng kaibigan ko but she got mad at me for meddling. Nagkasira kami at kalaunan ay nalaman rin iyon ni Vice President..."
Tumikhim si Mommy at pinahid ang kaniyang luha.
"Lalong nagalit si Crisanta sa akin sa pag-aakalang ako ang nagsabi sa kaniyang ama. I tried pero hindi ko pa rin itinuloy iyon para sa kaniya. Nagkasira kami. She never talked to me until one time, she came to me, umiiyak at sirang sira... She said she's pregnant with Gilbert's child. Nagulat ako siyempre. Hindi ko iyon inaasahan. Paano niyang nagawa iyon kung alam niyang may asawa iyong tao at siya rin ay may asawa. And when I ask her if alam ni Gilbert, she said yes and that he refused to acknowledge the child... He refused to acknowledge you..."
Sa maraming pagkakataon... hindi na dapat ako nagulat 'di ba? Pero bakit kahit alam ko na ang katotohanan ay nag-uumapaw pa rin ang sakit? Ang sakit pa rin pala talagang marinig na ayaw sa akin ng totoo kong pamilya.
Hindi ko naman iyon kasalanan 'di ba? Sila iyong gumawa ng pagkakasala pero bakit ako iyong naghihirap? Bakit ako iyong nakararanas ng sakit?
"I helped her. Sinabi ko rin na sabihin namin sa kaniyang ama at sa kaniyang asawa mismo but then, she said her father disowned her at ang kaniyang asawa ay galit rin sa kaniya. At sino bang hindi magagalit 'di ba? She ruined everything just because she thinks she's in love. Gilbert, Manolo and your Lolo wanted you..."
Tila hirap si Mommy sa huling gustong sabihin kaya tumango na ako, naiintindihan ang kaniyang gustong iparating. My heart clenched for that. My supposed family wanted me gone... That's the truth.
BINABASA MO ANG
Completely (IN LOVE SERIES #3)
General FictionChrishane Ocampo is the star player of the campus. She's entitled as the Tigress Queen as she always wow the crowd for her incredible skill inside the court and for the fact that she has a bad attitude - na iniirapan lamang naman niya. Making into t...