Kabanata 30

429 3 5
                                    

Arceli Angeles: Please be aware that this story was written poorly. This was written a few years ago. Maraming error, loopholes and whatsoever error na makikita niyo

Again, this story was written poorly. Pwede niyo pong i-drop kung hindi niyo po bet hehehe.

Thank you!

***

In Love Series 3: Completely

Kabanata 30

"What's with that ex of yours? Kanina pa masama ang tingin sa akin," iyon ang kanina pa ibinubulong sa akin ni Zian. Panay ang kurot niya sa aking braso at palihim na ininguso sa akin si Ishmael.

"Hindi ko rin alam. Kanina pa 'yan noong pagkatapos ng tawag mo," I whispered back at him.

Tama si Zian. Simula nang dumating sila rito kanina, hindi na siya tinantanan nang masamang titig ni Ishmael. Para niyang binabalatan ng buhay si Zian dahil sa mga titig niya!

The whole unit is once again filled with the deafening silence. With Ishmael's dark stare on Zian, no one dared to talk. Even si Jenny na katabi ko. We were like this for about thirty minutes now and I'm getting nervous little by little!

"Uh... pwede na bang umuwi si D sa unit niya? Tutal naman ay wala na ang mga reporters sa labas? Bruno assured that Duchess is now safe," pagbasag ni Zian sa katahimikan namin.

"No," wala pa yatang segundo nang sumagot si Ishmael. From Zian, he turned his gaze on me. "You're staying here, Duchess."

"Why? I mean, tama si Zian. Pwedeng sa unit ko na ako magpahinga. And may pupuntahan pa ako kaya..."

"I said no, Duchess. Besides, Kuya Eleazar and Ate Agatha are on the way here."

Gusto kong umirap sa kaniya! Ayaw ko nga rito dahil nagiging marupok ako sa kaniya!

"Magkatabi lang naman kasi ang unit niyong dalawa. Pwedeng pwede mong puntahan kung gusto mong makita. As you can see, my babe is uncomfortable here."

Tama, Zian babe! I am uncomfortable here! Kung wala si Ishmael baka pwede ngang dito ako pero nariyan siya at alam kong wala akong control pagdating sa kaniya!

Ishmael's jaw clenched as he heard what Zian said. Mas lalo pang sumama ang tingin niya kay Zian.

"You are free to go. Duchess will stay here," his voice is full of finality. Napakagat tuloy ako ng aking labi. "And stop calling her babe. He's not yours."

Napanganga ako roon. I heard Jenny's oa reaction beside me. Pagkatapos ay bumulong sa akin.

"Alam ko ang problema, D. Selos kay Zian babe 'yan. Pustahan tayo." Lumingon ako sa kaniya ngunit abala naman siya sa cellphone niya. Umirap ako.

'Di nga? Parang hindi naman. May masabi lang 'tong si Jenny eh!

"Teka nga, Mr. Ishmael. What is your problem with me? Kanina ka pa ah?" hindi na yata nakatiis si Zian sa attitude ni Ishmael.

Well, I can't blame him. Kahit ako, hindi ko rin maintindihan si Ishmael at kung bakit bigla ang pag-iiba niya ng mood nang dumating itong dalawa rito! Kahit rin kanina pagkatapos nang tawag ni Zian ay panay ang kunot ng noo niya sa akin.

Ang hirap naman niyang basahin!

"You are now both trending, just so you know. Hindi lamang sa Pilipinas. You are trending in 13 countries," bigla ay pag-iiba ni Jenny sa usapan. Muli ang pagbaling ko sa kaniya.

Inaasahan ko na ito. At 13 na bansa? Lakas naman noon. Ano 'to K-POP?

"Kayo rin ang laman ng mga showbiz news," dugtong pa nito.

Completely (IN LOVE SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon