Sabi nila, balang araw daw ay makakakilala ka ng mga taong hindi mo na gugustuhin pang mawala sa buhay mo.
Naniniwala naman ako dun, in fact nga may mga kilala akong tao sa buhay ko na ayaw ko ng mawala.
Isa na dyan ang Lolo ko, ang Butler ko at ang mga kaibigan kong katulong ni Lolo sa napaka-laki nyang bahay.
Pero hindi pa pala dumadating ang araw na yun, dahil nagawa kong iwanan si Lolo para makamtan ang kalayaang pangarap ko.
Siguro nga selfish ako sa parteng yun, alam kong nalungkot si Lolo pero hindi ko binigyang pansin.
May hinahanap kasi akong tao na kabaliwan man para sa iba kung bakit ko sya hinahanap, pero para sa akin nabuhay ako sa magulong mundong toh para gawin ang ginagawa ko.
Pero kinailangan kong bumalik. Bukod sa pinasunog ng magaling kong Lolo ang apartment na tinitirhan ko, nakahanda narin naman ang sasakyan at ang driver para ihatid ako pauwi. At ang pag-uwi kong yon sa bahay ni Lolo ang nakapag-pabago sa boring kong buhay sa loob ng isang gintong hawla.
Yun din ang dahilan kaya napasok ako sa isang magulong room na mas magugulo pa sa magulong buhok na hindi nasusuklay, ang mga tao. Hindi ako masyadong welcome nung una pero-- err i-welcome ko nalang din kayo!
Welcome to the room of Section-G!!!
"ANG INGAY!!!"at epal na naman sila, pagpasensyahan nyo nalang, sanayan lang yan! Enjoy your stay!
***
Ang istoryang ito ay produkto ng simple at sariling utak ko. Ang mga bagay o pangyayari na mababasa nyo sa kwentong ito na masasabi nyong kapareho ng iba ay nagkataon lang at hindi sinasadya. Mula sa pangalan ng mga karakter hanggang sa mga pangyayari sa kwento. Pakiasahan narin po ang mga pagkakamaling magagawa ko sa kwentong ito.
'Thank you for visiting this story. Hope you'll stay 'till the end.'
-Quelyn05
YOU ARE READING
Section-G (On-Going)
Teen FictionCriziah Celestine, doesn't want anything other than being free. Freedom. The freedom to roam the street alone, the freedom from the mansion she's calling "The golden cage". At ano ba ang karaniwang ginagawa ng isang nilalang kapag gusto nilang makal...