Chapter 17

100 8 0
                                        

*This chapter is revised.

Chapter 17: Maylee

Criziah's PoV

"Criziah!!"nagulat ako ng may biglang sumigaw ng pangalan ko at mas nagulat ako ng may biglang yumakap sakin saktong pagharap ko sa tumawag.

Natahimik ang lahat sa room habang ako ay natulala. W-wha--

"Thank you, thank you, Criziah!"masayang sigaw ng yumakap sakin at malaki ang ngiting bumitaw sa yakap habang ako ay tulala parin.

"Huh?"natanong ko nalang sa sobrang pagka-bigla.

Pero hindi nawala ang malaking ngiti ni Jelo na syang yumakap sakin.

Kasalukuyan kaming--ehem, sila lang pala, naglilinis ng room kasi naging makalat dahil nga dun sa Surprise welcome party para kay Kleine na umalis din matapos magsabi na maglinis kami. 

Halos isang linggong wala si Jelo, kaya nakakagulat talagang bigla nalang syang sumulpot ngayon at nangyayakap pa.

Anong problema ng isang toh? Pero base sa ngiti mukhang hindi naman problema eh.

"Melanie and I are back together!"masaya nyang anunsyo kaya napangiti ako pero napakunot-noo rin kalaunan.

"Eh bakit ka nangyayakap?"biglang confuse kong tanong.

Bigla syang natahimik at maya maya lang ay nahihiyang ngumiti at sinapo ang sariling batok.

"Eh kasi sinunod ko yung advice mo."nahihiya na nangingiti nyang sagot kaya napa-isip ako.

Advice ko? Ano bang advice ko? Ah!

"You courted her and explain?"nangingiti ko na ring sabi. Medyo nawala ang ngiti nya at dalawang kamay na ang pinang-sapo nya sa batok nya.

"I kidnapped her."napanganga ako sa sinabi nya habang sabay-sabay na sumigaw ang Section-G ng "You what?!" at narinig ko pa ang tawa ni Yuan na nasa may likod ni Jelo.

Ng makabawi ako sa pagka-bigla ay bigla ko syang nabatukan.

"Aray naman!"reklamo nya ng batukan ko sya at agad pumunta sa likod ni Yuan na biglang nawala ang tawa.

"Why.did.you.kidnapped.a.girl?"hindi naghihiwalay ang mga ngiping tanong ko at parehas nag-iba ang mukha nilang dalawa ni Yuan.

Pansin ko ring nagsilayuan ang ibang malapit sakin pero hindi ko na pinansin.

"E-eh, 'd-di ba advice mo yun?"parang natatakot nyang tanong habang nagtatago sa likod ni Yuan na parang gusto na ring tumakbo.

Nanliit ang mata ko, bukod sa naiinis ako sa parang natatakot nyang itsura, hindi ko na rin naman matandaan na nag-advice ako sa kanya na mangidnap sya.

Ang naaalala ko lang ay sinabi kong 'wag syang umiyak dahil pumapangit sya tsaka yung magpaliwanag sya ng ayos dun sa girl. Sinabi ko ba talaga na kidnapin nya?

"She didn't want to listen on any of my explanation so I did what you told me if she didn't budge on my move, I kidnapped her!"mabilis nyang paliwanag ng hindi ako nagsalita at nakatitig lang sa kanya.

Nagiisip kasi ako kung sinabi ko ba talaga yun. Sinabi ko nga ba?

Wala talaga kong matandaan.

"Knock, knock! Is Criziah here?!"rinig kong pasigaw na tanong ng kung sino sa pinto at napansin kong tumingin sakin lahat ng kaklase ko na nasa may gilid na medyo malayo sa akin.

"Oh my gosh! Maylee!"I was so surprised kaya nakalimutan ko na ang inis ko at agad sinugod sya ng yakap.

"Who are you? Bawal umakyat dito ang hindi Section G!"biglang litaw ni Scarlet from nowhere at tinaasan pa ng kilay si Maylee.

Section-G (On-Going)Where stories live. Discover now