*This chapter is revised.
Chapter 7: Temporary
Criziah's PoV
Late na ko. Late na ko. Late na ko...
I quoted repeatedly habang tumatakbo papunta sa building ng Section G.
Ba't parang ang layo ata ng building namin? Lumipat ba?
Ng marating ko ang second floor ay hingal na hingal ako. Pati hagdan tinakbo ko eh. Pero napailing-iling nalang ulit ako ng makitang walang pinagbago ang floor namin.
Makalat at magulo.
Kaylan kaya toh malilinisan?
Napa-isip tuloy ako, bakit kaya hindi toh pinapalinisan ng school?
Every building in Celestine High is neat and clean from hallways to the toilet.
Etong building lang talaga namin ang magulo--or itong floor lang namin. Hindi naman kasi makalat ang first floor eh. Halatang maintain ang paglilinis ng school janitor don.
"Ba't pailing-iling ka dyan?"kunot-noong pansin sa'kin ni Jelo.
Uyy, late din sya? Oh no! Late na nga pala 'ko!
Hindi ko na sya sinagot at tatakbo na sana pero napatigil ng maka-isip ako ng tanong kaya nilingon ko sya habang nasa porma parin na tatakbo.
"Ba't 'di nililinis ng janitor ang floor natin?"taka kong tanong at kumunot ang noo nya.
"Kasi takot silang umakyat dito? Ah hindi, ayaw namin silang paakyatin dito!"nag-alinlangan sya sa unang sagot nya pero parang naging proud sa ikalawa. Napangiwi ako at hinila nalang sya para sabay na kaming pumasok sa magulong room namin.
"GOOD MORNING!"masaya kong bati ng makapasok ako at makahinga ng maluwag dahil wala pang teacher. Hoh, buti naman.
Unti-unti kong binaba ang mga kamay kong naka'mabuhay!' pa ng mapansin kong natahimik na naman ang buong room.
"WALANG GOOD SA MORNING!"sabay sabay nilang sigaw sa mukha ko after ilang seconds na tahimik sila kaya sinamaan ko sila ng tingin at binato pabalik ang isang libro na lumipad papunta sa'kin.
Narinig ko pang may nag-'aray' pero hindi ko na yun pinansin at naupo nalang sa upuan ko.
Si Jelo? Ayun nandun sa likod at parang bata na namang nakikipag-asaran sa mga kapwa nya isip bata.
Nakakatakot mahawa sa kanila. Kaya dapat layo-layo muna ko.
"SECTION G! TAHIMIK!!"natahimik na naman ang lahat ng makarinig kami ng sigaw. At isang matandang lalaki na may hawak ng megaphone ang nasa harapan ng room. Teacher siguro sya.
Kailangan talaga kapag makikipag-usap sa Section G may gamit na Megaphone eh.
"Uyy tandang Principal!"
"Aba ayos ang pormahan natin ngayon ah."
"Grabe, habang tumatagal tumatanda ka."
At kanya-kanya na naman silang komento na hindi naman talaga mahalaga kaya napa-irap nalang ako sa kawalan.
Ganyan na ganyan ang ginawa nila kay Auntie nung unang araw ko dito. Mga walang galang sa matatanda, tsk.
"TUMAHIK KAYO AH! I JUST CAME HERE TO TELL AN ANNOUNCEMENT KAYA PWEDE BA, TAHIMIK!"pasinghal na sabi ng Principal pala, gamit ang kanyang megaphone.
Dala kaya nya yan o katulad ni Auntie na nakuha lang din sa kung saan?
Ng medyo matahimik na ang mga kaklase ko ay tumikhim muna si Mr. Principal. Grabe ang tanda na nya sigaw parin sya ng sigaw eh.
YOU ARE READING
Section-G (On-Going)
Teen FictionCriziah Celestine, doesn't want anything other than being free. Freedom. The freedom to roam the street alone, the freedom from the mansion she's calling "The golden cage". At ano ba ang karaniwang ginagawa ng isang nilalang kapag gusto nilang makal...