*revised.
Chapter 15: Mall
Criziah's PoV
"Criziah?"lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko at nagliwanag ang mukha ko ng makita si Giane na kakalabas lang din ng simbahan. Sunday kasi ngayon, at as usual nagsimba kami ni Lolo sa misa sa umaga.
"Nandito ka rin?"masayang tanong nya ng lumapit sya sakin.
"Oo kasama ko si Lolo."nakangiti kong sagot at luminga para sana ipakilala si Giane kay Lolo kaso wala na si Lolo sa tabi ko.
"Nauna na si Head Master sa limo, Young Miss."si Butler Jin na naiwan sa tabi ko ang sumagot. Napanguso ako at nilingon si Giane.
"Nawala si Lolo. Anyway, ikaw sinong kasama mo?"tanong ko at nakangiti syang umiling.
"Wala. Si Auntie muna ang magma-manage ng cafe hanggang mamayang gabi kasi pahinga ko ngayong Linggo."masigla nyang sabi kaya napatango-tango ako.
"By the way, gusto mong mamasyal sa Mall? Hindi kita nasamahan kahapon eh."nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nya at nangingiting tumango-tango. Tutal naman hindi ako nakapag-gala kahapon dahil kay Scarlet.
"Magpapaalam muna ako kay Lolo."nakangiti kong sabi at akmang lalakad na pabalik sa parking ng pigilan ako ni Butler Jin.
"Head Master said that 'bahala ka na kahit saan ka pumunta basta umuwi ka bago dumilim'."pigil ni Butler Jin sakin. Nanlaki naman ang mata ko at agad napalingon sa kanya.
"Seryoso po?"gulat kong tanong na tinanguan naman nya.
"May aasikasuhin daw sya kaya nauna na sya."sabi pa nya kaya naman I shriek inside my throat at nagpaalam na kay Butler Jin tsaka ako na ang humila kay Giane papunta sa Mall na kayang kayang lakarin from the church.
"Wow, excited na excited ka ah."natatawang puna ni Giane ng makapasok kami sa Mall at para akong bata na naa-amaze sa nakikita.
"Syempre. This is my first time entering here na maggagala lang."hindi nawawala ang ngiti ko kahit nagsasalita kaya mahina syang natawa.
This is really my first time na pumasok ako sa Mall na walang ibang gagawin at hindi kasama si Lolo.
Tho pumunta kami dito ng Section-G pero hindi para mag-enjoy kundi para bumili ng mga cleaning materials.
Hindi ko parin ka-close non ang mga kaklase ko, hindi tulad ngayon na medyo malapit na 'ko sa kanila.
"Since it's your first time, let's make it memorable."sabi nya at mas lalo pa akong na-excite.
Sinimulan namin ang pagga-gala sa Bookstore at namili kami dun ng mga libro. Marami ring na-recommend sakin si Giane since book lover sya, mapa-fiction or non-fiction, o academic and non-academic purposes book.
Then sunod naman naming pinuntahan ang men's botique, bumili lang sya ng relo para daw sa Daddy nya at para naman may mapala rin ako ay binilhan ko nalang rin ng neck tie si Lolo habang silver chain bracelet naman kay Butler Jin.
We went into shop, after shop, after shop. At hindi kami lumalabas ng shop na yun hangga't wala kaming binibili.
Nagtatawanan nalang kami kapag ang nabibili namin ay hindi naman talaga kailangan.
Then ng makarating kami sa Women's Boutique ay natigilan ako ng makita ko si Mau at Ravier sa women bag area na malapit lang sa entrance.
Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanila habang si Giane naman ay no where to be found na.

YOU ARE READING
Section-G (On-Going)
Dla nastolatkówCriziah Celestine, doesn't want anything other than being free. Freedom. The freedom to roam the street alone, the freedom from the mansion she's calling "The golden cage". At ano ba ang karaniwang ginagawa ng isang nilalang kapag gusto nilang makal...