Chapter 11: Cleaning continue
Criziah's PoV
"GUYS! AYUSIN NYO NAMAN!"for the ninth time ay sumigaw na naman ako sa megaphone na hawak ko.
Sa wakas at natapos na rin ang linisin sa loob ng room kaya sa labas naman. Kaso, mukhang tinatamad na ang mga kaklase ko kaya kung ano ano nalang ang ginagawa nila. Sila Yuan nga ay nagbabatuhan pa ng mga plastic bottles na walang laman. Pangalawang araw na naming paglilinis ito.
Tumingin ako sa tatlong babae at napa-nguso ng makitang nakikipag-batuhan din sila sa iba habang tumatawa.
"Criziah!"napalingon ako sa tumawag at agad sumigaw ng saktong lingon ko ay may binato saking patay na butiki si Ryan bago bumunghalit ng tawa kasabay ng iba.
Maluha-luha naman akong tumingin sa butiki na nakalagpak na sa sahig.
"Grabe, takot ka pala sa butiki?"natatawang tanong ni Mau na lumapit sakin.
Oh no!! What a pityful thing.
Hindi ko sya pinansin at suminghot bago nilapitan ang kaawa-awang butiki. Mukhang ilang araw na tong walang buhay ah, kawawa naman.
Naiiyak ko syang pinulot at nilagay sa isang papel at naglakad papunta sa hagdan.
"Hoy, san ka pupunta?"tanong ng kung sino pero hindi ko na nilingon.
"Ililibing toh!"sagot ko lang pabalik at dire-diretso ng bumaba ng hagdan.
Naghanap ako ng mukhang kumportableng lupa at nakapunta ako sa likod na bahagi ng building namin bago ako nakahanap ng mapaglilibingan.
Nagha-hum pa ko habang inilalagay sya sa hinukay kong lupa at ng finally ay natakpan ko na ay kunyari akong umiyak bago tatalikod na sana para balikan ang mga pasaway kong classmates ng may narinig akong ingay sa may pinaka-likod ng building.
Nasa may bukana lang kasi ako kaya naglakad pa ako papunta dun.
Napahawak ako sa bibig ko ng maka-kita ako ng dalawang studyante na nagme-make out.
OH MY GOSH! In school?! Oras ng klase ah!
Napasigaw ako ng parang naipit lang na daga dahil nga may takip ang bibig ko ng makitang binubuksan na nung lalaki yung blouse nung babae habang magkalapat parin ang mga labi nila.
Narinig ata nila yung mala-daga kong sigaw kaya napatigil sila at gulat na napatingin sakin.
Hindi parin tumitigil ang pagsigaw ko habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko. Nainis ata yung lalaki kaya dahan-dahan syang naglakad palapit sakin habang yung babae naman ay inayos ang nagulo nyang uniform at buhok.
"'Wag kang lumapit!"I shriek pero ngumisi lang yung lalaki at patuloy parin sa paglapit.
"Gusto mong sumali samin?"tanong nung lalaki at halos sabay kami nung babae na sumigaw ng "What?" kaya ngumisi na naman yung lalaki. Ang kapal naman ng mukha nito!
"Argh! Disgusting!"inis na bulyaw nung babae bago naglakad na paalis habang yung lalaki naman ay nakatingin lang sakin at naka-ngisi.
Walang pakialam na iniwan na sya ng ka-make out nya.
"Oh wala na sya. Tayo nalang pala eh."ngisi nyang sabi bago ako hinawakan sa isang balikat at akmang ilalapit ang mukha sakin ng bigla ko syang sinampal ng malakas.
Para syang nag-freeze habang nakatabingi ang ulo kaya kinuha ko yung chance at tumakbo paalis. Bastos! Ang kapal ng mukha!
Nadaanan ko pa yung butiki at sinamaan yun ng tingin. Kasalanan talaga toh ng butiki eh. Bakit kasi sya namatay, kinailangan ko pa tuloy syang ilibing. Yan tuloy, nakita ko yung kabastusan ng dalawang yun.
Anong grade lang ba ng mga yun?
"Oh, bat ka hinihingal?"takang tanong ni Scarlet at inabutan ako ng bottled water na agad ko namang ininom. Bakit nga ba ko nagmamadaling tumakbo papunta dito? I cringed ng maalala ko kung bakit nga ba.
"Aba nasan yung mga basura?"not bothering to answer her question, I ask her another question.
Nawala kasi bigla yung mga basura sa sahig kanina. Ngumisi sya at itinuro yung mga garbage bag sa may hagdan na hindi ko napansin sa pagmamadali kanina. Habang nasa gilid pa rin yung mga sira-sirang upuan.
"Naisipan nilang maglaro habang naglilinis. Pagka-alis mo, ginawa nilang bola yung mga basura while yung mga garbage bag ang ring."masiglang sabi ni Meena na bigla nalang lumitaw sa gilid ko.
Napatango-tango naman ako at napangiti bago naupo sa isang upuan na nilabas nila sa may pinto kanina at pinanood nalang yung ibang boys na nagma-mop at nagwawalis.
Surely, nakatulong yung U-tube sa kanila para matutong maglinis. Kaya siguro hindi nalilinisan dito sa floor natoh dahil lahat hindi marunong maglinis, and also ayaw din nilang magpaakyat ng ibang tao dito, even the janitors.
"Anong meron dun sa pinto sa likod ng room? Baka kailangan din nating linisan."nabanggit ko at pansin kong natigilan lahat ng naka-rinig. Naalala ko lang kasi yung pinto na parang luma na pero naka-lock naman nung sinubukan kong buksan. Na-curious tuloy ako kung anong laman non.
"Pwede na ba?"rinig kong tanong ng kung sino sa crowd kaya napa-kunot noo ako. Anong pwede na ba?
"Hindi pa ata. Tsaka na siguro kapag naka-balik na si Boss President."sagot naman ni Mau at tumingin sakin.
"Hindi yun pwedeng buksan."naka-taas ang noo nyang sabi at pina-laki pa ang boses para siguro i-intimidate ako pero binato ko lang sya ng plastic bottle na hawak ko at wala ng laman.
Tinawanan sya ng iba habang galit naman syang tumingin sakin at idinuro sakin ang hawakan ng walis tambo na hawak nya.
"Nagpapagod kaming maglinis tapos magkakalat ka lang? Hala! Pulutin mo yan!"inis nyang bulyaw at napangiwi naman ako, guilty.
Oo nga naman, ang sama ko sa part na yun. Ni hindi nga ako tumulong sa kanila, yung snack lang ata ang naibigay kong tulong.
Tumayo ako sa inuupuan ko at akmang pupulutin na sana yung plastic bottle na nasa sahig ng may naunang pumulot nun.
Para akong malalagutan ng hininga ng makita ang gwapong mukha ng lalaki.
Oh My! Sya yung dino-drawing ko na nakasama ko sa elevator.
Anong ginagawa nya dito?
"Boss President!"sigaw nilang lahat kaya napatunganga ako.
S-sya ang President ng Section G?!!
***
-Quelyn05
YOU ARE READING
Section-G (On-Going)
Novela JuvenilCriziah Celestine, doesn't want anything other than being free. Freedom. The freedom to roam the street alone, the freedom from the mansion she's calling "The golden cage". At ano ba ang karaniwang ginagawa ng isang nilalang kapag gusto nilang makal...