Chapter 12

99 8 0
                                    

Chapter 12: Boss President

Criziah's PoV

"Boss President!!"sabay-sabay na sigaw ng Section G.

Umayos na ng tayo yung lalaki at ginaya ko naman sya. Hindi ko na namalayan na sinusundan ko ng tingin ang kilos nya, kahit ang boteng tinapon nya sa trash bin na katabi ng mga garbage bag ay sinundan ko rin. Hindi ko na nga rin namalayan na medyo nakaawang na pala ang mga labi ko.

"Fly might come in."namalayan ko lang yun ng yung gwapong lalaki pa sa harap ko ang nagsara ng nakaawang kong bibig.

Narinig kong may mga tumawa kaya nakaramdam ako ng hiya at tumikhim bago sinamaan ng tingin sila Mau at Yuan na una kong nakita ng iniwas ko ang tingin ko sa gwapong lalaki.

Jeez! Kakahiya! Baka sabihin naman ng isang toh sobrang nagaguwapuhan ako sa kanya-- tho totoo naman pero kasi-- nakakahiya parin noh!

"President!!"sigaw ng bagong dating na si Naomi. Kita ko pa kung pano nya mabilis na tinapon sa kung saan yung pink na bag nyang dala. Kakaakyat nya lang din ng hagdan.

"Aba! Nakabalik ka na!"masaya pero halata ang kaba sa boses nya.

Natahimik ang mga kaklase ko habang kumamot naman sa ulo nya si Naomi at nakapaskil parin ang kinakabahang ngiti.

"Naomi."napaayos ng tayo si Naomi ng malamig syang tinawag nung gwapong lalaki.

I felt a chill down my spine dahil sa boses nya kaya pasimple at dahan-dahan akong umalis sa tabi nya at lumipat sa kinatatayuan nila Meena sa may railing.

"Yes Sir!?"parang sundalong sagot ni  Naomi at naka-salute pa.

"Sino yun?"pabulong kong tanong kay Scarlet na nasa kanan ko.

"Si President. President Kleine Guevara Misipirie."nanlaki ang mata ko sa pangalang sinabi nya. 

Kleine Misipirie? Yung sikat na Young Bachelor and Businessman? Kaklase ko pala yun? Akala ko naman kaya tinagurian syang Young Bachelor kasi hindi pa sya kinakasal at the age of 25 or so forth. Pero literal palang bata pa!

Bakit sya nasa Section-G?

"Criziah."napaayos agad ako ng tayo at sumaludo pa ng ako naman ang tinawag nya.

Weird syang tumingin sakin kaya umayos na ako ng tayo. Mukha akong baliw.

Nahahawaan na ata ako ng Sestion-G. Sabagay, Magdadalawang linggo na ako dito, hindi malabong mahawaan nga ako.

"Come here!"sabi nya at ramdam kong nanigas sa kinatatayuan yung tatlong babaeng katabi ko habang ngumisi naman sila Mau kaya kinakabahan akong lumapit.

Dahan-dahan lang akong naglalakad palapit sa kanya at parang nainis na ata sya kaya sya na ang lumapit at hinila ako papasok sa room at isinara ang pinto.

Matapos isara ang pinto ay nilingon nya ako kasabay ng pagbilis ng puso ko. What?! Bakit may pagbilis ng puso akong nalalaman?-- sa kaba naman.

Tama, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, nakakatakot kasi sya eh. Walang kangiti-ngiti.

"B-bakit?"kinakabahan kong tanong pero hindi sya sumagot at mataman lang na tiningnan ang mukha ko.

"Bakit mo pinaglilinis ang mga kaklase ko?"pakiramdam ko ay namutla ako sa unang tanong nya at nanuyo rin ang lalamunan ko kaya tumikhim ako kasabay ng paghakbang nya ng isa pero tumigil din naman.

"K-kasi madumi?"tanong kong sagot pero parang sa sarili ko lang yun sinasabi. Parang daga na rin ang boses ko sa kaba. Eh bakit nga ba ako kinakabahan na kaharap ko ang lalaking toh?

Section-G (On-Going)Where stories live. Discover now