*This chapter is revised.
Chapter 5:
Golden Coin
Criziah's PoV
"Bah!"someone from behind startled me.
"AHH!"I screamed.
"ARAY!"he screamed back.
Nakangiwi akong nag-piece sign sa nakahawak sa pisnging si Yuan na bigla nalang akong ginulat kaya nasampal ko ng malakas.
"BAKIT MO 'KO SINAMPAL?"pagalit nyang tanong. Tsk tsk tsk, ke-aga aga highblood.
"Eh bakit ka kasi nanggugulat?"asik ko pero inirapan lang ako ng bakla bago tinalikuran at nag-lakad na papunta sa magulong classroom.
Pani-bagong araw na naman pero ang mga classmate ko hindi parin nagbabago. Pangatlong araw ko na dito sa Section-G at masasabi kong hindi naging maganda ang unang dalawang araw ko sa Section na yun.
Kahapon nga pagkapasok ko sa pinto biglang may nagbuhos sa'kin ng tubig at ibinato pa talaga sa mukha ko yung water bottle na wala ng laman. Wala sa oras tuloy akong nakaligo, akala siguro nila hindi ako naliligo. Pero masakit yung pagkakatama ng boteng walang laman sa ilong ko noh kaya ibinato ko pabalik dun sa unang lalaking nakita ko na grabe makatawa, kala mo wala ng bukas. Aba eh hindi ko naman alam kung sinong nagbuhos at nagbato sa'kin eh kaya sya nalang.
Natahimik pa nun ang maingay na room kaya akala ko susugurin na nila 'ko pero tumawa lang ulit sila pero that time, yung lalaking nabato ko na yung tinatawanan at tinuturo nila at mas malakas na ang tawa nila.
Tss, so childish.
"Huy, ba't naka-simangot ka?"muntik na kong magulat sa pagsasalita ni Jelo na nasa tabi ko na pala, buti nalang kinulbit muna nya ko, bago nagsalita kundi baka natulad kay Yuan ang sinapit ng kapalaran nya ngayong umaga.
"Ah, wala."agad akong ngumiti sa kanya. Buti nalang talaga at may isa pang medyo matino sa mga kaklase ko at yun ay si Jelo. Yun nga lang, nasa 5% lang ang pagka-matino nya. Pero ayos na rin yun, eh yung iba 0.0000001% na lang.
"Anyway, sabi mo nung isang araw makikilala ko yung adviser natin kahapon? Eh wala naman pumasok na teacher buong mag-hapon eh!"reklamo ko sa kanya at pansin kong lumungkot ang mukha nya.
"Wala na sya eh!"malungkot nyang sabi at yumuko. Napa-tigil naman ako sa paglalakad, at hinarap sya na napatigil din nung tumigil ako.
"P-pa'nong namatay sya? Hindi ko pa nga sya nakiki--"napatigil ang pagda-drama ko ng pinitik nya ang noo ko.
"Anong sinasabi mong patay? Sinong namatay? Wala na yung teacher natin kasi umalis na sya ng school at may papalit na sa kanya."naiiling na natatawa nyang pagkaklaro kaya nag-init ang pisngi ko sa pagkapahiya at kumamot nalang sa ulo ko na hindi naman makati.
Tumawa na sya ng malakas kaya pansin kong napatingin sa'min ang mga estudyanteng malapit lang sa pwesto namin na may kanya-kanyang ginagawa.
"Tumigil ka nga sa pagtawa!"saway ko sa kanya pero lalo lang lumakas ang tawa nya kaya lalo lang din kaming pinagtinginan kaya iniwan ko nalang sya dun.
Napahiya na nga yung tao, pinagtatawanan pa! Anong klase syang kaibigan?
"Ows? Tao ka?"napasigaw na naman ako sa gulat at muntik ng mahulog sa hagdan dahil sa gulat ng may bigla na namang nagsalita sa may gilid ko. Buti nalang nakakapit agad ako sa railing sa may gilid ko kundi baka nagpagulong-gulong na 'ko pababa. Nangangalahati na pa man'din ako sa hagdan bago makarating sa second floor.
YOU ARE READING
Section-G (On-Going)
Teen FictionCriziah Celestine, doesn't want anything other than being free. Freedom. The freedom to roam the street alone, the freedom from the mansion she's calling "The golden cage". At ano ba ang karaniwang ginagawa ng isang nilalang kapag gusto nilang makal...